Connect with us

Showbiz

Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip sa publiko ang napakaganda at mala-palasyo niyang dream house na kasalukuyan pang itinatayo sa ngayon!

Avatar

Published

on

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 55 taong gulang na aktres, singer, television host, at commercial endorser. Siya ay tinaguriang “Megastar” dahil sa hindi matatawarang tagumpay niya sa industriya ng show business noon hanggang ngayon.

Photo credit: @rellysharoncuneta instagram

Siya rin ang isa sa pinakamahal at pinakaepektibong product endorser sa bansa. Sa isang endorsement niya noon ay kumita niya ng tinatayang 8 hanggang 15 milyong piso.

Hindi na nakapagtataka na kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan at video ng ipinapatayo niyang bahay. Ang mala-palasyo niyang bahay na ito ay mayroong “total floor area” na 2,300 sqm mayroon din itong pool, pool house at dog house.

Photo credit: @rellysharoncuneta instagram

Ipinasilip niya sa kaniyang latest social media post ang kalalabasan ng kanilang napakalawak na tahanan. Talaga namang kahit sino ay mamamangha sa napakaganda at napakalawak na tahanang ito.

Photo credit: @rellysharoncuneta instagram

Ang kalahati raw nito ay tatawagin niyang “She-cave” na magiging closet, dressing room, studio at lagakan ng kaniyang mga libro. Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga taong tumutulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya na maisakatuparan ang pangarap nilang bahay.

Photo credit: @rellysharoncuneta instagram

Ang arkitekto ng kaniyang bahay ay walang iba kundi ang partner ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga trabahador na siyang nagtatayo at bumubuo ng matagal na nilang pinapangarap na “family house”.

Photo credit: @rellysharoncuneta instagram

Halos isa at isa’t kalahating taon ang gugugulin sa pagpapatayo nito at talaga namang excite na silang makita ang magiging resulta. Pangako din naman ng batikang singer na kapag natapos na ang kanilang bahay ay ipasisilip at ibabahagi niya ito sa kaniyang mga tagahanga lalo na sa mga Sharonians.

Sa ngayon ay masayang namumuhay si Sharon kasama ang kaniyang mister na si Francis Pangilinan. Ang kaniyang mga anak ay sina KC Concepcion sa dati niyang asawa na si Gabby, dalawa pang anak na babae at isang “adopted son”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media