Connect with us

Showbiz

Mars Pa More host na si Camille Prats, ipinasilip ang final stage ng ipinapatayo nilang bahay para sa lumalaki nilang pamilya!

Published

on

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats o mas nakilala natin bilang si Camille Prats ay 35 taong gulang na aktre at host. Sa murang edad ay sumabak na siya sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga!” taong 1990.

Photo credit: Camille Prats Yambao instagram

Limang taon ang lumipas at mas lalo pa siyang sumakit sa naging Philippine TV adaptation ng anime na “Princess Sarah”. Marami ang namangha sa naging pagganap niya sa pangunahing karakter sa programang “Sarah… Ang Munting Prinsesa”.

Sa kaniyang pagdadalaga ay mas dumami pa ang kaniyang mga proyektong sitcoms at teen-oriented dramas. Ngunit nasubukan din niyang maging FHM magazine cover noon.

Photo credit: Camille Prats Yambao instagram

Taong 2008 nang ikasal siya kay Anthony Linsangan na ama ng kaniyang panganay na anak na si Nathaniel Caesar P. Linsangan na isinilang rin ng taong iyon. Maagang nasawi ang kaniyang mister na talaga namang naging pinakamadilim na yugto ng kaniyang buhay.

Sa ngayon ay masayang masaya na siya sa piling ng kaniyang mister na si John Yambao na isang negosyante. Taong 2017 nang sila ay ikasal at mayroon na sila ngayong dalawang anak. Dahil sa lumalaki nilang pamilya ay napagdesisyunan ng mag-asawa na magpundar na ng kanilang sariling tahananan.

Photo credit: Camille Prats Yambao instagram

Taong 2019 ay ibinahagi nila sa publiko na nagsisimula na ang pagpapatayo nila ng kanilang “dream house”. Sa ngayon ay nasa “finishing stage” na ang kanilang napakalaking bahay.

Malaki naman ang pasasalamat ni Camille na sa gitna ng pandemyang nararanasan natin sa ngayon ay hindi pa rin siya nawalan o nabawasan ng trabaho. Gayundin naman ang kaniyang mister na si John.

Photo credit: Camille Prats Yambao instagram

Kung kaya naman para sa kanilang pamilya ay pinagsusumikapan nilang matapos at maipatayo na ng tuluyan ang kanilang “dream house”. Tunay nga na sa gitna ng napakaraming pagsubok na pinagdaanan ng mag-asawang Camille at John ay talagang “deserve” nila kung ano man ang tagumpay at mga biyayang tinatamasa nila ngayon sa kanilan g buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media