Connect with us

Showbiz

Makisig Morales, masayang masaya at kuntento na sa kaniyang buhay may-asawa ngayon kapiling ang kaniyang misis na si Nicole Joson

Avatar

Published

on

“Life changing” at talaga namang “fulfilling” ang buhay may-asawa. Bagamat maraming mga pagbabago at pagsubok na maaaring kaharapin ay hindi ito nagiging hadlang upang pasukin ng maraming mga indibidwal ang pag-aasawa.

Madalas pa ngang sabihin ng ating mga lolo at lola na ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag ikaw ay napaso ay agad agad mong mailuluwa. Hindi tulad ng ibang mga dayuhang bansa, walang diborsyo sa Pilipinas at talagang napakatagal at magastos ang proseso ng “annulment” dito.

Sagrado ang kasal at ang pagkakaroon ng pamilya sa ating bayan kung kaya naman dapat ay maging sigurado tayo sa napalaking desisyon na ito. Nakakalungkot mang isipin na mayroong mga taong hindi pinalad pagdating sa buhay may-asawa, marami pa rin naman ang masaya at kuntento tulad na lamang ng dating child actor na si Makisig Morales.


Enero 9, 2019 nang ikasal sina Makisig at ang kaniyang misis na si Nicole Joson sa Sydney, Australia. Siya ay isang modelo at beauty queen. Sa katunayan ay nakilala siya bilang Misss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales State Finalist for Miss World Australia 2017.

Si Makisig naman ay isang aspiring chef sa Challenger TAFE-Beaconsfield sa Australia. Maaga man silang nag-asawa ay wala namang pagsisisi na mababakas sa kanilang mga mata.

Talagang masaya sila ngayon at kuntento sa kanilang buhay mag-asawa. Bagamat aminadong seloso si Makisig noong hindi pa sila kasal, palagi namang pinaparamdam ng kaniyang kabiyak na hindi siya dapat mabahala dahil sa siya lamang ang mahal nito at wala nang iba pa.

Para naman kay Nicole, naging napakapalad niya nang mapangasawa niya ang isang Makisig Morales dahil sa sobra ito kung magmahal. Batid nilang marami pa silang dapat matutunan at marami pa silang pagdaraanan na mga pagsubok ngunit patuloy nilang susuportahan at mamahalin ang isa’t-isa lumipas man ang mahabang panahon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media