Connect with us

Viral

Mag-inang nalaglag sa umaandar na motorsiklo, himalang nakaligtas mula sa isang malaking trak!

Published

on

Araw-araw ay napakarami nang mga aksidente ang nangyayari sa ating paligid. Kahit anong pag-iwas at pag-iingat pa ang ating gawin ay hindi talaga natin makakayang mailigtas ang ating sarili sa bagay na nakatakda talagang mangyari.

Ngunit kamakailan lamang, pinatunayan ng video na ito ng isang mag-ina na ang pagmamahal ng isang ina ay walang katulad. Sa isang video na kalat na ngayon online ay mapapansin ang isang kotse na bigla na lamang sumulpot at tumama ng bahagya sa isang motorsiklo dahilan upang mawalan ito ng balance at malaglag ang mag-inang sakay nito.

Napakabilis ng pangyayari, dahil pagkatapos nito ay bigla namang dumaan ang isang malaking trak sa mag-inang nalaglag mula sa motorsiklo. Inakala ng marami na napahamak na ang mag-ina lalo na ang sanggol na kasama nitong nalaglag.

Buti na lamang ay naging mabilis din ang pagkilos ng ina dahil sa nakuha niya agad ang kaniyang anak bago pa man ito masagasaan ng paparating na trak. Tila ba agad na naramdaman ng katawang ng ina ang kapahamakan sa kanilang harapan kung kaya naman kahit iharang niya ang kaniyang katawan para sa kaniyang anak ay talagang ginawa niya.

Hindi lahat ay kayang gawin ito dahil kung tutuusin, tiyak na matutulala na lamang tayo kung sa atin mangyari ang aksidenteng ito. Hindi rin makapaniwala ang maraming mga netizens sa himalang ito dahil talagang segundo na lamang at tiyak na mapapahamak na ang mag-ina.

Nagsilbi rin itong babala sa mga magulang na kung alam nilang magiging mapanganib para sa kanilang mga anak ay huwag nang dalhin o isama pa sa kanilang pupuntahan. Bagkus ay gawin nila ang kanilang makakaya upang maiiwas ang kanilang anak sa ganitong kapahamakan.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring impormasyon kung nasaan na ang mag-ina at kung nagtamo ba sila ng sugat dahil sa nangyari. Ang tanging dalangin lamang ng publiko ay maging ligtas sila at matuto na sa nakakatakot na karanasang ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media