Connect with us

Viral

Lalaking malapit nang ikasal, aksidenteng nasagasaan ng truck at binawian ng buhay matapos mamahagi ng kanilanag mga “wedding invitation”!

Avatar

Published

on

Maraming mga bagay sa mundo ang talagang hindi natin hawak. Kung kaya naman ang araw-araw na kalakasan ng ating pangangatawan at kaligtasan ng ating pamilya ay napakalaking biyaya na mula sa Diyos na marapat lamang nating ipagpasalamat ng husto.

Sadyang napakabilis ng pangyayari lalo na sa buhay ng isang lalaking ito na talagang nasasabik na sa nalalapit na araw ng kaniyang kasal. Nakakalungkot lamang dahil sa bago pa man siya maikasal ay binawian na siya ng buhay.

Ayon sa naging post online ng Elcham Campos Iligan ay kinilalang si Jonex Balano ang lalaking nasagasaan ng isang truck sa Fausta, Calinan sa Davao City. Ala-una nang hapon nang mangyari ito at diumano ay galing pa sa pamamahagi ng kanilang mga “wedding invitations” ang lalaki para sa darating nilang kasal sa ika-10 ng Abril 2021.

Bagamat nadala pa siya sa pagamutan ay idineklara na rin siyang “DOA”. Ayon pa sa naturang social media post ay kapansin-pansin sa mga huling post ng nasawing lalaki kung gaano siya kasabik sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng kaniyang kasintahan.

Nakakapanlumo at talagang napakasakit nang nangyaring ito sa kanila. Bumuhos naman ang pakikiramay ng maraming mga netizens sa mag-anak.

Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagbahagi ng ilang mga komento nila at karanasan sa tuwing sasapit ang “Holy Week” o “Mahal na Araw” sa bansa. Kadalasan daw kasing mayroong nangyayaring hindi maganda at disgrasya sa mga panahong ito.

Kung kaya naman palaging payo ng mga matatanda na huwag nang lumabas o bumiyahe pa sa mga araw na ito dahil sa tiyak na kapahamakan lamang ang iyong mapapala. Pamahiin man o hindi ay marami pa rin ang sumasang-ayon at nagbibigay patotoo sa mga ganitong bagay lalo na sa ating bansa.

Kung kaya naman wala ring masama kung susunod tayo sa mga ganitong nakaugalian natin para na rin sa ating mga kaligtasan at sa ikapapayapa ng kalooban ng ating mga mahal sa buhay.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media