Connect with us

Viral

Lalaking bumili ng murang iPhone online, labis na ikinabigla ang dumating na order sa kanilang bahay!

Published

on

Takot, pangamba at kasawian ang ilan sa mga negatibong bagay na naranasan natin dahil sa pandemya na nagsimulang kumalat sa buong Pilipinas noong Marso 2020. Marami ang nawawalan hanggang sa ngayon ng pag-asa na muli pang magbabalik ang lahat sa dati.

Photo credit: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

Ngunit sa kabila ng napakahirap na pagsubok na ito ay pilit pa ring nagiging positibo ang marami sa atin. Ilan na marahil sa magandang naidulot ng pandemya ay mas naging maingat tayo pagdating sa ating kalusugan.

Mas naging malapit din ang bawat pamilya at nagkaroon tayo ng maraming oras para sa “hobbies” na nais nating pag-aralan. Maraming mga negosyo at pangkabuhayan rin naman ang nagbukas at nagbigay ng oportunidad sa publiko.

Photo credit: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

“Online selling”, “delivery services”, at marami pang iba. Kamakailan lamang marami ang nagulat nang makita nila ang murang iPhone na nabili ng binatang ito.

Sa murang halaga kasi ay mayroon na siyang iPhone, matagal niyang pinangarap ang makabili ng cellphone brand na ito kung kaya naman ng makakita siya ng murang halaga ay agad na niya itong binili online. May kamahalan nga lang ang presyo ng “shipping fee” na kailangan niyang ibayad. Sa kabila nito ay itinuloy niya pa rin ang pagbili ng kaniyang pangarap na cellphone.

Nang mayroong dumating na malaking kahon sa kanilang bahay na diumano ay nakapangalan daw sa kaniya ay hindi pa siya makapaniwala sa kung ano ang maaaring laman nito. Halos kalahati ng kaniyang katawan ang sukat ng naturang cellphone na dumating sa kanilang bahay.

Photo credit: เอาไปแบ่งกันดู/Facebook

Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit nang matanggap ang “coffee table” na hugis iPhone na kaniya palang na-order online. Kaya pala mura ang naturang cellphone brand ay hindi pala ito talaga isang cellphone kundi isang “coffee table”.

Dahil dito ay mas maraming mga netizens ang nagkomento na mas magiging maingat na sila ngayon sa pagbili ng kahit anong produkto online.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media