Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, inalala ang kaniyang naging kauna-unahang trabaho bilang isang waitress!

Avatar

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin ngayon bilang si Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress, modelo, at isang YouTuber. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang higit sa 12.6 milyong mga subscribers.

Marami ang humahanga at nagmamahal sa kaniya ngayon dahil sa kagandahan ng kaniyang kalooban at gayundin naman ng kaniyang pisikal na hitsura at pangangatawan. Wala rin siyang karate-arte lalo na kung siya ay kumakain o nakikihalubilo sa maraming mga tao kahit pa nga isa siya sa mayayamang personalidad ngayon sa showbiz industry.

Kamakailan lamang ay nagkasama-sama silang magkakapatid sa YouTube vlog ng kaniyang kapatid na si Hash. Kasama rin nila si Mona Alawi o si Mona Louise Rey na sumikat bilang isang “child actress” sa GMA network.

Sa vlog ni Hash na pinamagatang “Who Knows Me Better” ay naitanong sa magkakapatid kung ano ng aba ang kanilang naging kauna-unahang trabaho. Naikwento ni Ivana na naging waiter at waitress silang magkakapatid noon sa “restaurant business ng kanilang namayapang ama na si Samier Al-Alawi.

Nagtrabaho sila sa negosyong ito ng kanilang ama upang kumita sila ng sarili nillang pera kahit mga bata pa sila. Malaki rin ang naitulong ng karanasan nilang ito upang mas maging responsable at disiplinado sila sa buhay.
“Ako taga punas ‘dun. Kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako yung taga-punas. Si dad kasi yung may-ari nung restaurant so ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun. Tapos nahihiya akong kunin yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal.” Pagkukwento ni Ivana.

Masaya ring naikwento ni Hash na tuwang-tuwa pa silang magkakapatid noon habang ginagawa ang kanilang mga trabaho at nag-uunahan pa silang magpunas ng mga lamesa. Tunay nga na sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nila sa ngayon ay nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakatapak sa lupa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media