Connect with us

Viral

Isang siyam na taong gulang na bata, marunong nang magbanat ng buto sa murang edad upang makatulong sa kaniyang pamilya!

Avatar

Published

on

Marahil marami sa ating mga Pilipino ngayon ang nangangarap na maging bata muli. Ang mga kabataan kasi ay walang ibang problema, alalahanin, at responsibilidad tulad ng mga nakatatanda.

Tanging paglalaro lamang ang kanilang hilig at kakain, iinom kung kailan nila nais. Ngunit kahit gustuhin man nating bumalik sa pagkabata ay talagang imposible na itong mangyari.

Kung inaakala natin na napakasarap ng buhay ng isang bata, tiyak na magbabago ang ating pananaw dahil sa kwentong ito ni Sarocha Intasai mula sa Thailand. Sa edad na siyam na taong gulang ay marunong na siyang magbanat ng buto.

Sa katunayan ay siya na mismo ang nagpipirito ng manok na itinitinda ng kaniyang lola. Maging ang kalakaran ng kanilang munting negosyo ay alam na alam na rin niya.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Sarocha nang makasama siya ng kaniyang lola na magbenta ng mga pagkain. Maaga siyang namulat sa hirap ng buhay kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na sa kaniyang paglaki ay naisin niyang makatulong na sa kaniyang pamilya.

Sa edad na siyam na taong gulang ay nagtatrabaho na siya sa palengke ng Bang Nam Pueng sa Thailand. Hindi lamang pagpipirito ng manok ang alam gawin ni Sarocha dahil sa marunong din siyang magluto ng curry at rice noodles.

Hindi na rin bago sa kaniya ang pag-aasikaso sa mga parokyanong kumakain sa munting kainan nila ng kaniyang lola. Ang lahat ng pagsusumikap na ito ni Sarocha ay para sa kaniyang lola at sa kaniyang nakababatang kapatid.

Wala na kasi silang mga magulang na nag-aalaga sa kanila at tanging lola na lamang nila ang kanilang inaasahan. Hiwalay na ang kanilang mga magulang noong tatlong taon pa lamang siya.

Nakulong naman ang kaniyang ina dahil sa ipinagbabawal na gamot. Talagang naging napakasalimuot ng kaniyang buhay.

Sa murang edad ay naranasan na niya ang lahat ng ito. Kung kaya naman sa kaniyang paglaki, tiyak na mas magiging responsable siya at disiplinado.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media