Connect with us

Viral

Isang security guard nag-uulam na lamang ng sibuyas at bawang para lamang makapagtipid at makapagpadala ng pera sa kaniyang mag-anak!

Avatar

Published

on

Sa ating buhay, kaniya kaniya tayo ng “krus” na pinapasan. Mga problemang madalas na nakapagpapahina sa atin ngunit kadalasan ay nakapagpapalakas at nakapagpapatatag rin naman sa atin.

Sa Pilipinas, hindi na bago ang mga ganitong sitwasyon. Marami sa atin ang lumaki sa hirap ng buhay at talagang natutunan nating magtiis at maging responsible sa buhay.

Wala pang mga modernong gadgets noon at maayos na internent connection. Maging ang mga social media noon ay limitado rin ngunit nagawa pa rin ng marami sa atin ang mamuhay ng masaya at kuntento kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Tunay nga na sila rin ang nagsisilbing kalakasan natin sa gitna ng mahihirap na pagsubok na ating kinakaharap sa araw-araw. Kamakailan lamang, umantig sa puso ng publiko ang mahirap na kalagayan ng isang security guard sa Malaysia.

Nakuhanan siya ng larawan ng isang netizen na siyang nag-post nito online. Maraming mga tao ang talagang nahabag sa kaniyang sitwasyon dahil sa tanging sibuyas at bawang lamang ang kaniyang ulam!

Kaunting kanin na nilagyan niya rin ng kaunting tubig upang magkaroon ng sabaw. Hindi rin madali ang trabaho ng isang security guard kung kaya naman marami din ang nag-alala kung hindi ba siya manghihina sa buong araw kung ito lamang ang magiging laman ng kaniyang tiyan.

Ayon sa ilang mga ulat ay ginagawa niya ito dahil sa nais niyang makapagtipid ng husto at makapagpadala ng pera sa kaniyang pamilya. Mayroon namang ilang mga netizens ang nagpaalala sa kaniya na hindi naman masamang magtipid ngunit hindi rin niya dapat pabayaan ang kaniyang sarili.

Lalo na at isa siyang security guard, marapat lamang na kumain siya ng wasto at sapat upang hindi niya magsakit at magkaroon siya ng lakas sa araw-araw niyang pagtatrabaho. Tunay nga na hindi man natin nararanasan ang ganitong kahirapan madalas, marami pa rin sa atin ang nakikisimpatya at batid ang pinagdaraanan ng security guard na ito.

Tulad na lamang ng maraming mga Pilipino na madalas ay napapabayaan na ang kanilang mga sarili maibigay lamang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media