Connect with us

Viral

Isang nakakaantig na larawan ng isang security guard na matiyagang tinuturuan ang isang batang kalye, umani ng maraming papuri online!

Avatar

Published

on

Maliban sa ekonomiya ng bansa ay labis ding naapektuhan ang buhay ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang ang mga negosyanteng napilitang magsara ng kanilang mga negosyo dahil sa pagkalugi, mga empleyado na kinailangang tanggalin na sa serbisyo, at mga kabataang hindi na makapasok pang muli sa mga paaralan dahil na rin sa pangamba para sa kanilang kaligtasan.

Sa kabila ng mga mahihirap na pagsubok na ito ay marami pa rin naman tayong nababalitaan na magagandang gawa ng mga Pilipino. Maraming mga Pilipino ang patuloy pa ring tumutulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya.

Kahit sa simpleng pamamaraan lamang ay makagawa sila ng napakagandang bagay sa kanilang kapwa tulad na lamang ng “security guard” na ito na matiyagang tinuturuan ang isang batang kalye kung paano magsulat. Namataan ng netizen na si John Robert Flores ang isang security guard sa isang branch ng “Palawan Pawnshop” na malapit sa Arellano University kasama ng ilang mga bata na kaniyang tinuturuan.


Isang bata lamang ang nakuhanan niya ng larawan kasama ang security guard ngunit ayon kay John ay mas marami pa siyang nakita na mga bata. Hindi nga lamang niya ito nakuhanan ng larawan.

Labis siyang nagalak nang makita ang security guard na ito na matiyagang tinuturuan ang bata na halata rin namang nasasabik sa pag-aaral na kanilang ginagawa. Tunay nga na napakahalaga ng edukasyon para sa mga kabataan ngayon.

Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng maayos sa isang paaralan lalo na kung sila ay galing sa isang hikahos na pamilya. Maraming mga netizens ang talagang bumilib sa security guard na ito dahil sa simpleng pagtuturo niyang ito sa bata ay tiyak na magkakaroon siya ng pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral gaano man ito kaimposible.

Sabi nga sa isang sikat na kasabihan, kung gusto ay mayroong paraan ngunit kung ayaw ay maraming dahilan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media