Connect with us

Viral

Isang masipag na magsasaka, nakatanggap ng money bouquet na nagkakahalaga ng Php200,000 mula sa kaniyang pamilya sa ibang bansa!

Avatar

Published

on

Maraming mga netizens ang namangha ng ibahagi ng BBS Sweets sa social media ang larawan ng isang magsasaka na ito na mayroon hawak na napakalaking bouquet ng pera! Nagkakahalaga pala kasi ito ng Php200,000.

Source: BBS Sweets

Sino ba namang hindi mapapa-sana all sa ganitong klase ng sorpresa? Sa panahon natin ngayon, maraming mga Piliino ang magsasabing napakarami na talagang pinagbago ng ating kapaligiran mula noon hanggang sa ngayon.

Kung dati rati ay mga bulaklak lamang ang nakikita nating nakalagay sa mga bouquet, ngayon ay napakarami nang mga bagay na maaaring gawing “bouquet”. Tulad na lamang ng isang money bouquet na ito na natanggap ng isang mapalad na magsasaka mula sa Dingras, Ilocos Norte.

Source: BBS Sweets

Ang magsasakang ito ay nakilala bilang si Mang Larry Longboy. Mayroon siyang mga kapamilya sa ibang bansa na hindi na pinangalan para na rin sa kanilang seguridad ang siyang nagpadala ng sorpresang ito sa kanilang bahay.

Laking gulat naman ni Mang Larry dahil hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng ganito kalaking halaga ng pera na nasa money bouquet pa. Matapos itong matanggap ni Mang Larry ay napagdesisyunan niya itong ibili ng isang traktora.

Dahil sa isa siyang magsasaka ay tiyak na makakatulong sa kaniya at gagaan ang kaniyang trabaho gamit ang bagong traktora niyang ito.

Source: BBS Sweets

“Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun narin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor). Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay tatay Larry.” Pahayag ng BBS Sweets sa kaniyang Facebook page.

Ang BBS Sweets ang isa sa mga nagsulputang negosyo ngayon kung saan maaari nilang sorpresahin ang taong nais paligayahin ng kanilang kliyente. Maliban sa pagpapadala ng money bouquet ay mayroon na rin itong tunay na mga bulaklak na kasama at mga lobo.

Talaga namang napakaespesyal ng ganitong pamamaraan ng pagpapakita sa isang tao na siya ay labis na pinapahalagahan at minamahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media