Connect with us

Viral

Isang masipag na karpintero, binenta ang “meteorite” na nalaglag sa kaniyang bahay at naging isang “instant” milyonaryo!

Avatar

Published

on

Upang maabot natin ang pangarap natin sa buhay, madalas na pinapayuhan tayo ng ating mga magulang na maging masipag at talagang magtiyaga sa buhay. Hindi madali ito lalo na kung mula tayo sa isang mahirap na pamilya.

Image credit: East News Press Agency/The Sun

Ngunit wala talagang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay at mayroong sipag at tiyaga sa buhay. Tulad na lamang ng 33 taong gulang na si Josua Hutagalung. Siya ay isang masipag na karpintero mula sa Indonesia.

Naging isang “instant milyonaryo” siya matapos niyang ibenta ang isang “meteorite” na hindi inaasahang malaglag sa kaniyang bahay. Buwan ng Agosto ng mangyari ito habang abala sa kaniyang trabaho si Josua sa labas ng kanilang tahanan.

Image credit: East News Press Agency/The Sun

Mayroon siyang narinig na malakas na tunog kung kaya naman kaagad niyang hinanap ito. Laking gulat niya dahil sa mayroon na palang bumagsak na 2.2 kilo ng “meteorite” sa kanilang bubungan.

Bumagsak pa ito ng 15 sentimetro na agad naman niyang hinukay. Nang hukayin daw niya ito ay mainit-init pa ang “meteorite” na agad naman niyang ipinasok sa loob ng kanilang bahay.

Image credit: East News Press Agency/The Sun

“From my posting on Facebook, I received responses from hundreds of netizens, and the post was shared hundreds of times. As a matter of fact, there have been many local and international reporters who have come here to cover the incident,” Kwento pa ni Josua.

Dahil dito ay agad na mayroong bumili ng naturang “meteorite” sa kaniya sa halagang RM7.6 million (Malaysian Ringgit) o katumbas ng Php88,920,000. Ito ay katumbas na ng kaniyang 30 taong sweldo.

Naging napakapalad niya kung kaya naman nais niyang magpatayo ng isang sambahan para sa kanilang komunidad at nais niya rin sanang magkaroon ng isa pang anak na babae bukod sa kaniyang tatlong mga anak na lalaki. Talaga namang napakalaking biyaya nito para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Image credit: East News Press Agency/The Sun

Ang dating masipag na karpintero ay isa nang “instant” milyonaryo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media