Connect with us

Viral

Isang mapagmahal na lolo, pinagbigyan ang kahilingan ng kaniyang amo na isang swimming pool kahit na kapos sila sa pera!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang lumaki at nagka-isip kasama ang kanilang mga lolo at lola. Isa na marahil ito sa pinakamasarap na pakiramdam at isa sa pinakamagandang karanasan ng isang kabataan.

Sabi nila ang pagmamahal daw ng mga lolo at lola ay kakaiba sa pagmamahal ng isang ama at ina. Kahit pa sabihin na ang kanilang mga apo ay anak lamang ng kanilang mga anak, tila ba mayroong kakaibang koneksyon at labis na pagmamahal ang namamagitan sa kanila.

Hindi maipagkakaila na mahal na mahal ng mga lolo at lola ang kanilang mga apo. Isang patunay na marahil dito ang ginawang ito ng isang mapagmahal na lolo para sa kaniyang apo.

Tinupad kasi ni lolo Edgar Guiyab Paet, taga-barangay Baybayog, Alcala ang kahilingan ng kaniyang apo na si Princess na magkaroon sila ng isang “swimming pool”. Si lolo Edgar ay dati nang miyembro ng Pantawid Program simula pa noong taong 2012.


Siya ay nagtatrabaho nilang isang karpintero habang ang kaniyang misis naman na si Teresa ay naglalako ng mga paninda. Ibinahagi ni lolo Edgar na nang marinig niya ang kahilingan ng kaniyang apo ay alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya ito kayang ibigay dahil sa talagang salat sila sa pera lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Hindi sapat ang kanilang maliit na kinikita upang makabili siya ng isang bagong “swimming pool”. Dahil sa pagnanais na mapasaya ang kaniyang apo na si Princess ay nag-isip siya ng paraan kung paano niya maisasakatuparan ang munting kahilingan nito.

Pumasok sa kaniyang isipan na gumamit ng mga “banana stalk” at tarpaulin upang makalikha ng isang “DIY” na swimming pool. Ginawa niyang haligi ang mga “banana stalk” at ginamit niya namang pangsapin ang lumang tarpaulin.

Ayon pa kay lolo Edgar, kahit gaano man kahirap ang buhay ay kaya niyang gawin ang lahat para sa kaniyang mga apo.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media