Connect with us

Viral

Isang luma at sira nang bus ang ni-renovate ng isang babae sa isang napakagandang “mobile home”

Avatar

Published

on

Palaging payo ng ating mga lolo at lola na kung mayroon tayong nais gawin sa ating buhay ay ibigaynatin ang buong puso at isip natin dito at tiyak na hindi tayo maliligaw ng landas. Halimbawa na lamang sa isang trabaho, kung mahal mo ang iyong ginagawa ay hinding hindi ka mapapagod at magsasawang gawin ito sa araw-araw.

Sadyang napakapalad ng mga taong nagagawa ang nais nila sa buhay nang walang kahit ano mang hadlang. Dahil dito ay tiyak na mas marami pa siyang magagawa na magagandang mga bagay.

Tulad na lamang halimbawa ng 30 taong gulang na si Jessie Lipskin. Noon pa man ay kilala na siya ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan dahil sa pagiging “creative” niya at “innovative”.

Nang minsan siyang makakita ng isang luma at sirang bus ay agad niya itong binili. Kahit pa nga 50 taon na ang tanda nito.


Gustong gusto niya talaga ang kaniyang ginagawa kung kaya naman naging napakalaking tagumpay sa kaniya ang transpormasyong ito ng kaniyang “old bus”. Ngayon kasi ay isa na itong “modern mobile home”.

Napakaganda at napakaaliwalas ng ginawa niyang bahay sa loob ng bus. Mayroon itong “hardwood flooring”, tatlong malalaking “storage closet”, dalawang “sleeping area”, isang full sized bath, dalawang central air-conditioning unit at ang kaniyang kusina.

Ang pinakapaborito niyang parte ng kaniyang “bus house” ay ang kaniyang kwarto dahil sa narito rin ang koleksyon niya ng mga libro na talaga namang nakakapagparelaks sa kaniya sa tuwing babasahin niya ang mga ito. Malaki rin ang pasasalamat ni Jessie sa kaniyang professional team dahil sa naging tulong nila sa “electrical”, “plumbing” at “carpentry works”.

Sa ngayon ay plano niyang palagyan pa ito ng “roof deck” upang makumpleto niya ang pangarap niyang mobile house at nang makapagbiyahe na rin siya sa mga magagandang lugar lulan ng kaniyang “vegan friendly abode”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media