Connect with us

Viral

Ina, hindi makapaniwalang makikita pa niyang muli ang kaniyang nawawalang anak na babae na siyang pakakasalan pala ng kaniyang anak na lalaki!

Published

on

Sa Pilipinas, napakasagrado at napakahalaga ng pagdiriwang ng kasal. Bahagi na ng ating kultura at tradisyon na magkakilala ang bawat pamilya bago pa man idaos ang araw ng kasal.

Dito na papasok ang pamamanhikan ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babaeng nais niyang makaisang-dibdib. Bagamat batid ng maraming mga Pilipino ang ganitong kaugalian natin, marami namang mga lahi ang mayroon ding kaniya-kaniyang tradisyon at paniniwala sa kasal.

Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko sa tila telenobelang kwento ng isang ina na ito na muling natagpuan ang kaniyang anak na babae na matagal na palang nawawala. Isang Chinese ang ginang na naninirahan sa Suzhou, China.

Nito lamang ika-31 ng Marso 2021 ay hindi inaasahang makita ng ginang ang isang pamilyar na “birthmark” sa kamay ng kaniyang magiging manugang. Nang araw kasi na iyon ay kasal ng kaniyang anak na lalaki, ngunit labis siyang nagulat nang makita ang palatandaan niya sa kaniyang anak na nawala noon.

Kung kaya naman agad niyang kinausap ang mga magulang ng “bride” kung sakaling inampon nila ang kanilang anak na babae. Gulat na gulat naman ang mga magulang ng “bride” sa naging tanong na ito ng ginang.

Inamin na nila na 20 taon na ang nakararaan ng matagpuan nila ang batang babaeng ito sa tabing kalsada kung kaya naman agad nilang inuwi at inaalagaan. Nang malaman ng “bride” ang katotohanan ay niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang tunay na ina.

Bagamat kinabahala ng lahat ang pagiging magkadugo ng “bride” at “groom”, nilinaw naman ng ginang na inampon niya ang anak niyang lalaki matapos mawala ng kaniyang anak na babae noon. Tunay nga na naging napakagandang pagtatagpo nito para sa mag-ina pagkatapos ng napakahabang panahon ng pangungulila nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon ay buong-buo na silang dalawa at masayang masaya rin ang lahat dahil sa naging kasalan at muling pagtatagpo ng mag-ina.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media