Connect with us

Showbiz

Diana Zubiri, masaya at kuntento na ngayon sa kaniyang buhay may-asawa matapos niyang lisanin ang industriya ng showbiz!

Published

on

Si Rosemarie Joy Garcia o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na si Diana Zuburi ay 35 taong gulang na aktres at modelo. Isa siya sa pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon.

Source: Diana Zubiri’s IG

Ayon sa ilang mga ulat, 15 taong gulang pa lamang siya noon ng siya ay madiskubre ng Seiko Films habang nag-aapply ng trabaho patungong Japan. Mula noon ay marami na siyang ginawang mga proyekto sa Seiko Films kung saan mas nakilala niya ng maraming mga Pilipino.

Ikinagulat din ng publiko ang naging kontrobersiya noong Oktubre 2002 tungkol sa pagpopose ni Diana ng naka-two piece lamang sa EDSA-Shaw flyover sa Mandaluyong. Agad namang iniurong ng alkalde ng lungsod ang kaso nang magbigay ng paumanhin ang aktres.

Source: Diana Zubiri’s IG

Maliban sa pagganap sa mga pelikula at pagiging isang modelo ay marami din ang bumilib sa kaniya sa naging mahusay niyang pagganap bilang si Danaya at Lila Sari sa teleseryeng Encantadia. Hindi naging madali ang buhay ni Diana dahil sa noong bata pa siya ay iniwanan sila ng kanilang ama.

Ang kaniyang ina lamang ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya. Mayroong maliit ng sari-sari store ang kaniyang ina at nakatira sila sa isang maliit na paupahang bahay.

Source: Diana Zubiri’s IG

Sa kabila ng matinding hirap at mga pagsubok na kaniyang pinagdaan ay nagawa niyang makapasok sa showbiz kung saan nabigyan siya ng pagkakataong ipamalas ang kaniyang talento at maiahon ang kaniyang pamilya mula sa kahirapan. Taong 2015 ay ikinasal sila ng kaniyang longtime boyfriend na si Andy at ngayon ay mayroon na silang tatlong mga anak.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang sila ay magpakasal ngunit mas lalong tumatatag at tumatamis ang kanilang pagmamahalan. Bagamat mayroong paunti-unting proyekto si Diana ay nananatili pa rin itong hands-on sa kaniyang mga anak.

Source: Diana Zubiri’s IG

Nakakabilib din na napapanatili niya ang hubog at ganda ng kaniyang pangangatawan hanggang sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media