Connect with us

Showbiz

Content Creator na si Toni Fowler, pinamangha ang kaniyang mga followers dahil sa kaniyang napakagandang bald look!

Avatar

Published

on

Kamakailan lamang ay itinampok ng sikat na content creator/youtuber na si Toni Fowler ang naging prank sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Unicorn Arellano. Ang viral video nilang ito noong Abril 2021 ay mayroon nang higit sa 2,955,093 na views sa YouTube channel ni Toni na “Mommy Toni Fowler”.

Noon pa man ay talagang hinahangaan na ng marami ang dancer-turned-content creator na si Toni, hindi lamang sa angking kaseksihan nito kundi dahil na rin sa kaniyang napakagandang mukha. Ngunit kung noon ay mahabang buhok ang madalas niyang ibinabandera sa kaniyang mga viral photos at videos, ngayon ay proud na proud siya sa kaniyang “bald hairstyle”!

Ayon sa ilang mga ulat, kaarawan kasi noon ni Unicorn kung kaya naman naglakas ito ng loob na i-prank si Toni. Habang siya ay nakahiga at nagse-cellphone, nagpanggap si Unicorn na inaayos ang buhok ni Toni at makalipas pa ang ilang segundo ay agad na nitong inilabas ang kaniyang razor at doon na sinimulang kalbuhin ang kaniyang kaibigan.


Kitang kita naman sa mata ni Toni ang labis na pagkagulat sa ginawa ng kaibigan ngunit hindi na siya nagalit pa dahil sa kaarawan nga ng kaniyang kaibigan. Hindi naman sila nabigo at talagang naging napakaganda nga ng resulta ng kaniyang “new bald look”!

Dagdag pa ng sikat na social media personality, noon pa man ay gusto na niya talagang magpakalbo ngunit ayaw nito ng kaniyang ex. Hindi raw kasi nito kayang magkaroon ng nobyang kalbo.

Ngunit dahil nga sa ngayon ay wala na siyang karelasyon, matapang niyang sinunod ang kaniyang kagustuhan na magpakalbo na ng tuluyan sa tulong ng kaniyang mga malalapit na kaibigan. Tunay nga na ang ating buhok ang tinatawag na “crowning glory” ng isang tao, ngunit nasa sa atin pa rin ang kasagutan kung saan tayo magiging masaya at kuntento.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media