Connect with us

Viral

Babaeng nagtataglay ng 13.7 inches na waistline, umani ng sari-saring komento online!

Published

on

Mahalaga sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng magandang kutis at mukha. Ito ang nagbibigay kumpiyansa sa kanilang sarili. Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga kababaihan ang nangangarap na mayroon silang mabago sa bahagi ng kanilang mukha at pangangatawan.

Photo Credit:Su Moh Moh Naing/Facebook

Kung maraming mga kababaihan ang nagnanais na sumailalim sa “surgery”, marami din naman ang nangangarap na lamang na maisakatuparan ito. Isa na marahil sa mga pangarap ng kababaihan ang magkaroon sila ng maliit na baywang.

Para kasi sa kanila, ang pagkakaroon ng maliit na “waist line” ay matuturing na kaakit-akit at talaga namang seksi. Hindi rin madaling mag-alaga at magpanatili nito kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ng iilan sa mga kababaihan na mag-diet o di kaya naman ay mag-ehersisyo upang makamit at mapanatili ang kanilang “body goals”.

Hindi na nakapagtataka na umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang isang babaeng ito sa Myanmar matapos kumalat sa social media ng ilan sa kaniyang mga larawan. Sa mga larawan niya kasi ay kapansin-pansin ang napakaliit niyang “waist line” na nasa 13.7 inches lamang!

Photo Credit:Su Moh Moh Naing/Facebook

Siya ay walang iba kundi si Su Moh Moh Naing na 23 taong gulang na. Naging “instant internet sensation” siya dahil sa kaniyang kakaibang baywang.

Sa katunayan ay pumalo na ng 233,193 ang kaniyang mga followers sa sarili niyang Facebook page. Sa ngayon, ang may hawak ng record sa may pinakamaliit na baywang sa buong mundo ay mula sa Britanya na mayroong 13 inches na baywang.

Talaga namang nakakamangha na mayroon palang mga tao na nagtataglay ng ganitong kakaibang katangian. Maaaring kakaiba talaga ito para sa ating lahat ngunit para sa kanila, masaya at kuntento na sila sa kanilang pangangatawan.

Bagamat napakaliit ng baywang ni Su Moh Moh Naing ay sinisigurado pa rin niya na nagagawa niya ang lahat ng kaniyang gusto.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media