Connect with us

Viral

Alagang pusa na madalas mawala sa gabi, palagi palang abala sa kaniyang “night shift duty”

Avatar

Published

on

Sa lumipas na ilang taon ay marami nang mga taong mas nahilig sa pag-aalaga ng mga hayop. Maaaring para ito sa kanilang pangkabuhayan o di kaya naman ay nais lamang nila itong gawing “pet” sa bahay.

Ayon rin sa ilang mga pag-aaral, ang mga hayop ay maaaring makatulong sa mga pasyente at sa mga taong mayroong mabigat na pinagdaraanan. Bukod kasi sa nakakawala ng stress ang pag-aalaga ng hayop ay talagang “therapeutic “din itong maituturing.

Kung kaya naman ganoon na lamang ang ating pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga alagang hayop. Kamakailan lamang ay mayroong nakakatuwang kwento ang isang amo ng pusa tungkol sa kaniyang alaga.

Ayon sa kaniyang kwento, madalas niyang hanapin ang kaniyang alagang pusa tuwing gabi ngunit talagang hindi niya ito mahagilap kahit saan mang parte o sulok ng kanilang bahay. Pagsapit ng umaga ay makikita na lamang niya itong tulog na tulog na tila ba pagod na pagod.

Ang mas nakakagulat pa rito ay mayroong pera (10 Yuan) na nakalagay sa kaniyang leeg kung nasaan naroon ang kaniyang pangalan. Para sa kaniyang amo ay maaaring nagtatrabaho ng “night shift” ang kaniyang alaga kung kaya naman umuuwi ito ng pagod na pagod at may dalang pera sa kaniyang leeg.

Ngunit talagang nagtataka siya kung ano nga kayang trabaho ang ginagawa ng kaniyang alaga sa gabi. Naghahabol at nanghuhuli kaya ito ng mga daga o di kaya naman ay nagbabantay ng isang bahay?

Hanggang sa ngayon ay wala pang kasagutan sa maraming tanong ng kaniyang amo ngunit ano man ang kaniyang trabaho ay mas mabuti na rin ito dahil sa nagkakaroon siya ng panggastos para sa pambili ng mga paborito niyang “cat food” na kinakain niya sa araw-araw. Tiyak na magkakaroon siya ng lakas para sa kaniyang “night shift duty”. I

kaw, nanaisin mo rin bang magkaroon ng ganitong alaga?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media