Connect with us

Viral

4 na taong gulang na bata, nag-shopping spree ng laruan sa Lazada gamit ang credit card ng kaniyang Daddy!

Published

on

Ibang-iba na talaga ang pamumuhay ngayon, kumpara noon. Kung dati ay masayang masaya na ang mga batang naglalaro sa lansangan kasama ang kanilang mga kaibigan, ngayon ay mas komportable silang maglaro sa loob ng bahay gamit ang ilang mga gadgets tulad ng cellphone, laptop at desktop computers.

Photo credit: Sharifah Cut Shai / Facebook

Marami din naman sa atin ngayon ang nahuhumaling sa pag-a-add to cart lalo na kung “sale”. Marahil dahil sa pandemyang nararanasan pa rin natin sa ngayon kung kaya naman mas marami sa atin ang nais na lamang na manatiling ligtas kaysa lumabas ng bahay, ngunit noon pa man ay marami na talaga ang pumipili ng mas madali at mas komportableng paraan.

Photo credit: Sharifah Cut Shai / Facebook

Kamakailan lamang ay ikinagulat ng isang ina ang ginawa ng kaniyang anak na apat na taong gulang sa credit card ng kaniyang mister. Ang Malaysian mom na si Sharifah Cut Shai ang siyang nagbahagi ng karanasan nilang ito ng kaniyang asawa.

Hindi lubos akalain ng mag-asawa na magagawa ng apat na taong gulang nilang anak na si Luth Harris Aufa ang mag-shopping spree sa Lazada gamit ang mismong credit card ng kaniyang ama na naka-save pala ang lahat ng impormasyon sa cellphone na pinagamit sa kaniya. Noong una ay inakala pa ang ama na ang kaniyang misis ang bumili ng lahat ng mga laruan na idineliver sa kanilang bahay.

Photo credit: Sharifah Cut Shai / Facebook

Iginiit naman ng misis na wala siyang binibili na ano mang laruan para sa kanilang anak. Huli na ng malaman nilang ang anak pala nila mismo ang bumili ng mga ito. Ang mga naka-cancel na items ni Sharifah ay umabot na ng RM200 o halos Php2,400 habang ang mga dumating at parating naman ay nasa halagang RM900 o Php10,600.

Photo credit: Sharifah Cut Shai / Facebook

Inamin din naman ng anak nilang si Luth na nakakita siya ng ilang mga “ads” habang nanunuod siya ng YouTube. Hindi na raw namalayan pa ng paslit na naparami ang mga na-order niya sa sikat na online shopping site.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media