Connect with us

Viral

17 taong gulang na dalaga mayroong kakaibang kondisyon na tinatawag na “Sleeping Beauty Syndrome”, muli na naman siyang nakatulog at hindi pa nagigising!

Avatar

Published

on

Mahalaga ng tulog sa tao. Isa ito sa mga pangangailangan natin sa araw-araw.

Maliban sa pagkain, tubig at masisilungan ay hindi rin dapat ipagkait sa isang indibidwal ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa araw-araw. Marami ring mga pag-aaral ang nagsasabing, nakasasama sa kalusugan ng isang tao kung hindi siya magkakaroon ng sapat na tulog sa araw-araw.

Ngunit naging malaking misteryo sa publiko ang kakaibang kondisyon ng 17 taong gulang na dalagang ito dahil sa hindi lamang oras at araw ang inaabot ng kaniyang pagtulog kundi ilang linggo! Kumalat na sa social media ang ilang mga larawan ng dalagang si Siti Raisa Miranda mula sa Indonesia.

Siya ay kilala bilang “Echa” sa kaniyang mga malalapit na kaibigan at kapamilya. Nakakatulog siya ng ilang araw na umaabot pa ng ilang linggo.

Ayon pa sa ilang mga reports, ang kondisyon niyang ito ay tinatawag na Kleine-Levin syndrome (KLS) o ang “Sleeping Beauty Syndrome”. Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang kwentong pambata na “Sleeping Beauty” kung saan ilang daang taon nakatulog ang pangunahing karakter.


Sa sitwasyon naman ni Echa ay talagang literal na nakakatulog siya ng matagal. Noong una ay nakapagsimula pa ng “online class” si Echa dahil na rin sa pandemya kung kaya ito muna ang paraan para sila ay makapag-aral.

Ngunit nito lamang Abril 10 ay nakatulog na naman siya at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nagigising. Ito na ang ikalawang beses na nakatulog ng mahaba si Echa.

Noong unang beses taong 2017 ay umabot ng 13 araw ang mahimbing niyang pagtulog bago siya tuluyang magising. Dinala nila noon si Echa sa ospital ngunit lahat ng kaniyang “vital signs” ay normal naman kung kaya naman pinayuhan na lamang silang manatili sa kanilang bahay.

Sa kabila ng kaniyang kondisyon ay madalas pa rin siyang linisan, palitan ng damit, pakainin at ibahin ng pwesto sa pagkakahiga habang siya ay mahimbing na natutulog. Tinatayang nasa isa sa isang milyong tao ang tinatamaan ng kakaibang kondisyon na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media