Connect with us

Viral

17-anyos na dalaga, matiyagang naghahanap-buhay para sa kaniyang ama na na-stroke, hands-on din sa pinapagawa niyang bahay!

Published

on

Madalas nating marinig ang mga kataga na iba talaga ang pagmamahal ng isang magulang para sa kaniyang mga anak. Kahit kasi pagkain na isusubo na lamang niya ay kaya pa niyang ibigay sa kaniyang anak.

“Selfless love” at “unconditional” kung ilarawan ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Napakasarap sa pakiramdam magkaroon ng isang ama at ina na palaging nakasuporta sa iyo sa bawat bagay na iyong ginagawa.

Ngunit paano nga kaya kung wala nang kakayanan ang mga magulang na suportahan at kalingain pa ang kanilang mga anak? Ano na kaya ang mangyayari sa magulang at ano na kaya ang gagawin ng kaniyang mga anak?

Nagsilbing inpirasyon kamakailan lamang ang buhay na ito ng 17 taong gulang na si Clara. Sa kaniyang edad kasi na dapat sana ay walang ibang iniisip kundi ang kaniyang pag-aaral lamang, kung ano ano nang trabaho ang kaniyang pinasok para lamang kumita ng kaunting pera para sa kaniyang ama.


Na-stroke kasi ang kaniyang ama at iniwanan na sila ng kaniyang ina. Sa kabila ng napakahirap na sitwasyon ay nanatili pa ring matatag at positibo ang dalaga. “Online seller” siya at nagtitinda din ng mga meryenda kung hapon.

Siya rin ang abala sa mga gawaing bahay at tumutulong din siya upang matapos na ang ipinapagawa niyang bahay ng kaniyang ama. Siya rin ang napiling tulungan ng vlogger na si “Virgelyncares”.

Sobrang nakakamangha kasi ang abilidad ni Clara at ang pambihirang pagmamahal nito para sa kaniyang ama. Tila hindi niya alintana ang pagod at hirap sa araw-araw maibigay lamang ang pangangailangan ng kaniyang ama.

Napakapalad ng kaniyang magulang dahil sa lumaki siyang responsible at disiplinado. Hindi lahat ng mga kabataan ay tulad ni Clara mag-isip at magmalasakit sa kaniyang magulang.

Hindi na rin nakapagtatakang marami siyang natatanggap na pagpapala mula sa mga taong may mabubuting puso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media