Connect with us

Showbiz

Vlogger Donnalyn Bartolome, ipinasilip sa publiko ang kaniyang mamahaling sports car na binili niya para sa kaniyang sarili!

Published

on

International Women’s Day ang ika-8 araw ng Marso kung kaya naman maraming mga kababaihan sa buong mundo ang nagdidiwang para sa cultural, political, at socioeconomic achievements ng maraming mga kababaihan. Maging dito sa Pilipinas ay marami ring mga pagbati na natanggap ang kababaihan.

Photo credit: Donalyn Bartolome Youtube

Ilang mga vloggers din ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagkilala para sa mga kapwa nila kababaihan tulad na lamang ng vlogger na si Donnalyn Bartolome. Isa siya sa pinakakilalang vlogger ngayon sa bansa kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami na siyang mga tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel.

Photo credit: Donalyn Bartolome Youtube

Ipinasilip niya kamakailan lamang ang napakaganda niyang regalo para sa kaniyang sarili. Walang iba kundi ang isang mamahaling sports car na pinapangarap ng maraming mga kababaihan.
Hindi pa nga niya napigilang maluha nang masilayan ang kaniyang pangarap na sasakyan na nabili niya dahil na rin sa kaniyang sipag at tiyaga. Inalala niya rin ang naging pagsisimula niya noon bilang isang artista halos walong taon na rin ang nakararaan.

Photo credit: Donalyn Bartolome Youtube

Umalis siya sa kanilang bahay at pinagsumikapang abutin ang kaniyang mga pangarap. Ibinahagi rin ni Donnalyn na hindi niya nais magyabang bagkus ay nais niyang maging inspirasyon sa maraming mga kababaihan na kaya nilang maging “financially stable” at kayang kaya nilang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Photo credit: Donalyn Bartolome Youtube

Nangako din siyang masisilayan pang lalo ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pink na Porsche Boxster sa nalalapit na pagpapalabas ng kaniyang music video. Sa ngayon ay masayang masaya siya dahil sa nabili na niya ang pinapangarap niyang sasakyan na pinangalanan niyang Daphne.

Ang sasakyang ito ay nasa 5 hanggang 6 na milyong piso ayon sa ilang mga nauna nang ulat. Patunay lamang ito na kung bibigyan talaga natin ng pansin ang ating mga pangarap sa buhay, walang ibang dahilan upang hindi natin ito makamit lalo na kung mayroon tayong sipag, tiyaga, at determinasyon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media