Connect with us

Viral

Sosyal na akyat-bahay nagawa pang makitulog at magbukas ng aircon sa ninakawan niyang bahay!

Published

on

Sa Pilipinas, masakit man aminin ngunit maraming mga insidente ng pagnanakaw at iba pang mga krimen ang nangyayari sa araw-araw. Marahil ay dahil na rin sa hirap ng buhay kung kaya nakakagawa ng hindi maganda ang ibang mga tao.

Imahe: สุรินทร์ร้องทุกข์/Facebook

Ngunit kailanman ay hindi ito dapat maging dahilan upang masabi nating wala talaga silang kasalanan sa batas ng tao at maging sa batas ng Diyos. Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko dahil sa ginawa ng lalaking ito sa bahay na kaniyang ninakawan.

Imahe: สุรินทร์ร้องทุกข์/Facebook

Naganap ito sa Thailand kung saan isang 22 taong gulang ang nadatnan ng may-ari ng bahay sa loob ng kwarto ng kaniyang anak. Hindi inaasahan ng may-ari ng bahay na isa rin palang pulis na mayroong magnanakaw na makikitulog sa kwarto ng kaniyang anak.

Batid niyang hindi umuwi ang kaniyang anak kung kaya naman laking pagtataka niya nang makitang umaandar ang air conditioning unit sa kwarto ng kaniyang anak. Nakasara ang pintuan kung kaya naman sa bintana na lamang dumaan ang may-ari ng bahay.

Imahe: สุรินทร์ร้องทุกข์/Facebook

Ayon sa ilang mga ulat ay bandang alas-dos ng madaling araw nang makapasok sa bahay ang magnanakaw. Mahimbing na natutulog ang mga tao sa bahay kung kaya naman walang nakaramdam o nakarinig sa pananalakay ng lalaki.

Nang magising ang lalaki ay nagsisigaw ng malakas ang may-ari ng bahay upang maalarma ang mga tao roon. Nang dumating na ang mga otoridad ay agad nilang nahuli ang lalaki na sa ngayon ay humaharap sa mga kasong “tresspassing” at “burglary”.

Imahe: สุรินทร์ร้องทุกข์/Facebook

Samantala, umani naman ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang balitang ito. May ilang mga netizens na tawang tawa dahil sa nagawa pang makitulog at magbukas ng aircon ng naturang kawatan.

Kung umalis na lamang daw ito at natulog sa kanilang bahay mismo o sa ibang lugar ay tiyak na hindi hahantong sa ganito ang kaniyang sitwasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media