Connect with us

Showbiz

Singer na si Lyca Gairanod, nakabili na ng sarili niyang sasakyan sa edad na 16 na taong gulang!

Avatar

Published

on

Si Lyca Jane Epe Gairanod o mas nakilala ng publiko bilang si Lyca Gairanod ng “The Voice Kids Philippines Season 1” taong 2014. Ipinamalas niya ang natatangi niyang talento sa pagkanta sa murang edad kung kaya naman talagang marami siyang napabilib dahil rito.

Hindi na lingid sa kaniyang mga tagahanga na namulat siya sa kahirapan. Hindi naging madali ang kanilang buhay noon dahil kinakailangan niyang tumulong sa kaniyang pamilya upang makaraos sila sa araw-araw.

Ang kaniyang ama ay isang mangingisda habang ang kaniyang ina naman ay mangangalakal ng mga bote, plastic, dyaryo at garapa. Upang makadagdag sa panggastos ng kanilang pamilya ay madalas na kumakanta si Lyca sa harap ng ibang tao kapalit ng kaunting halaga o di kaya naman ay makakain.

Nilinaw naman niyang hindi siya pinipilit ng kaniyang mga magulang na magbanat ng buto sa murang edad dahil sa gusto na niya talagang tulungan ang kaniyang mga magulang noon pa man. Buti na lamang at nabigyan siya ng pagkakataon upang maipamalas ang kaniyang pambihirang talento sa publiko kung saan ito rin ang naging pinto upang makilala siya ng husto.


Unti-unting dumami ang kaniyang mga proyekto noon matapos niyang manalo sa “The Voice Kids Philippines”. Dahil dito ay mas natulungan niya ang kaniyang pamilya na kung noon ay nakatira lamang sa tagpi tagping bahay, ngayon ay mayroon na silang sarili at maayos na tirahan.

Mas nakakakain na rin sila ng masasarap at masusustansiyang pagkain sa ngayon. Dumaan man ang pandemyang nararanasan pa rin natin sa ngayon, hindi nagpaapekto rito si Lyca.

Bagkus ay sumubok pa siya ng ibang mga bagay tulad na lamang ng vlogging at sa ngayon nga ay mayroon na siyang higit sa 1.26 milyong subscribers.

Dahil na rin dito ay nakabili at nakapagpundar na siya ng isang bagong sasakyan sa edad na 16 na taong gulang! Ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang kaniyang bagong sasakyan.

“Thank God! I got [a] new baby.” Caption ng dalaga sa kaniyang social media post kalakip ang ilang mga larawan ng kaniyang bagong sasakyan.

Source: Abscbn


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media