Connect with us

Showbiz

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher niyang nangmaliit at kumutya sa kaniya bilang isang artista!

Published

on

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 55 taong gulang na aktres, mang-aawit, host at commercial endorser. Binansagan siyang “Megastar” dahil sa pambihirang galing niya sa pag-arte.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin siyang tagahanga at tagasuporta. Siya rin ang kinilala bilang “the most expensive and effective product endorser in the Philippines”.

Ayon sa ilang mga ulat, kumikita siya ng 8 hanggang 15 milyong piso kada produktong kaniyang ineendorso. Tunay nga na isa siya sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Kamakailan lamang ay mayroong isang netizen ang bumastos at nangmaliit sa kaniya bilang isang artista. Kinumpara ng basher si Megastar sa mga henerasyon ng mga artista sa ngayon.

“Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea (Alonzo), Liza (Soberano), Anne Curtis, baka ‘di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e,” Pahayag ng basher.


Hindi naman pumayag ang batikang artista na palagpasin na lamang ang pangyayaring ito. Agad niyang sinagot ito ang sinabing:

“Eh ‘di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako! Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!” Pahayag ni Megastar.

“Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang ‘di maipaliwanag ng at sa tao, ay ‘yung tinatawag na X-Factor. Puede ba ako sumikat ng ‘di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot,” Dagdag pa ng sikat na singer.

“My point is wala lang ibang choice nung time mo kaya ka sumikat. Kung kasabayan mo lahat ng mga bata ngayon baka ‘di ka nakapag-artista.” Komento pang muli ng basher.

Muli naman itong sinagot ng Megastar at sinabing walang punto ang kaniyang katwiran. Kahit raw marami sila noon at bilang na bilang pa rin ang mga kagaya niyang nakaabot sa kinalalagyan nila sa ngayon.

Samantala, ipinagtanggol naman siya ng maraming mga netizens at sinabing napatunayan na ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang sarili sa ating lahat – mula pa noon hanggang sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media