Connect with us

Showbiz

Sanya Lopez, hindi imposibleng magmahal ng mas matanda sa kaniya. Sinabing handang alagaan si Willie Revillame sa pagtanda nito!

Avatar

Published

on

Maraming nagsasabing hindi naman talaga mahalaga ang edad sa isang relasyon. Mas importante daw kasi ang pagmamahalan at respeto ng dalawang tao upang mas maging matagumpay ang kanilang pag-iibigan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang naging guesting ng Kapuso actress na si Sanya Lopez sa programang “Wowowin” ni Willie Revillame. Bumilib ang batikang host kasama ang kaniyang co-host na si Donita Nose sa angking kagandahan, talento at karisma ng 24 na taong gulang na aktres.

Siya ang nakababatang kapatid ni Jak Roberto na isa ring mahusay na aktor ng GMA-7. Sa naging guesting ni Sanya sa Wowowin ay naitanong sa kaniya kung ayos lang sa kaniyang magmahal ng mas matanda sa kaniya tulad na lamang halimbawa ni Willie Revillame.

Agad namang tugon ng aktres ay bakit naman daw hindi? Nagsimula ang tuksuhang ito nang ibuking ni Willie na si Michael Pangilinan pala ang manliligaw ngayon ng dalaga.

Hindi naman ito sinang-ayunan ng aktres na halatang nangingiti sa takbo ng kanilang usapan. “Sinungaling Ka!” natatawang sagot ni Willie kay Sanya.


Nang mapunta naman sa seryosong usapin ang kanilang paksa ay naitanong ni Willie kung ano nga ba talaga ang plano at pangarap ni Sanya sa kaniyang buhay maliban sa pagiging isang sikat na aktres. Ang sagot naman ni Sanya ay “Pangarap sa buhay ko? Ikaw lang.”

Nagkatawanan sina Willie at Donita sa naging turan ng dalaga. Ayon kay Willie, masyado na siyang matanda para kay Sanya dahil sa kaniyang edad.

Agad namang nagkomento ang kaniyang co-host na si Donita Nose at sinabing kahit ano pang mangyari sa atin, ang importante ay nagmahal tayo. Nang tanungin ni Willie si Sanya kung ayos lang ba sa kaniyang magmahal ng lalaking parang lolo na niya sinabi ni Sanyang hindi naman ito imposible at hindi naman din ito mapipigilan kapag talagang nagmahal ka.

Nabanggit din ni Sanya na ayos lang sa kaniya kung siya pa mismo ang magtutulak ng wheelchair ni Willie pag tanda nito. Humalakhak lang ang batikang host at sinabing “napaka-sweet” raw ng dalaga.

Sagot naman ni Sanya, “Oo, kasi yung isang room dito sa Wil Tower nakapangalan na sa akin, di ba?”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media