Connect with us

Viral

Putok batok na “unli balut” sa Cebu City kinagigiliwan ngayon ng marami sa halagang Php100!

Avatar

Published

on

Maraming mga lokal at dayuhang turista ang dumadayo sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas hindi lamang dahil sa angking kagandahan ng mga destinasyon dito kundi maging sa mga masasarap na pagkain at inumin na madalas ay dito lamang matitikman sa ating bayan. Isa na marahil sa pinakakilalang pagkain o “street food” ng mga Pilipino ay ang balut.


“Fertilized duck egg” kung tawagin ng mga dayuhan na madalas na mabibili tuwing gabi na hanggang madaling-araw. Pampalakas ng tuhod din kung ilarawan ng marami sa atin ngunit para sa maraming mga banyaga ay talagang nakakagulat ang laman nito sa loob.


Popular na ang pagkain ng balut sa atin ngunit mayroon pa palang iaangat ang paraan ng pagtitinda at pagkain nito! Tulad kasi ng mga “Eat-All-You-Can” restaurants, may pakulo rin ang isang bilihan ng balut sa Cebu City.

Ibinahagi ng netizen na si Shabey Villarante ang unli balut na ito sa halagang Php100 lamang! Ngunit agad namang paalala ng maraming mga netizens na hindi dapat balewalain ang katotohanan na ang lahat ng sobra ay masama.

Mataas kasi sa kolesterol ang balut kung kaya naman ipinagbabawal ito sa mga taong mayroong matataas na presyon. Sa kabila nito ay marami pa rin talagang mga netizens ang sobrang natuwa dahil sa kakaibang pakulo na ito.

Lalo na ngayong marami pa ring nagsusulputan na mga bagong restaurants na may masasarap na pagkain, wala pa ring tatalo sa nakasanayan nating pagkain noon hanggang ngayon. Narito ang ilan pa sa mga naging komento at reaksyon mula sa mga netizens:


“Naku, dapat po may nakahanda na kayong mga gamot, ointment, at first aid kit kasi baka tumimbuwang na lang ang customer ninyo hahaha, mas mahal pa ang ibabayad ninyo sa hospital kapag nagkataon.” Komento ng isang netizen.

“Sa halagang 100 pesos, mapapa-goodbye Philippines, goodbye world ka na hahaha. Hinay-hinay lang po sa pagkain ng balut, mataas po iyan sa cholesterol,” pahayag naman ng isa pa.

“Parang lugi ka pa, kasi maka-tatlo ka pa lang, tiyak na putok-batok ka na. Kailangan yata may ambulansya diyan hahaha.” Saad pa ng isa.

Source: DefinitelyFilipino


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media