Connect with us

Showbiz

Pumukaw sa atensyon ng publiko ang angking kagandahan ng anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Gab Gibbs!

Avatar

Published

on

Isa na yata sa sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga sa mga hinahangaang mag-asawa sa industriya ng showbiz. Nito lamang ika-6 ng Enero ay binati ni Janno ang kaniyang misis sa kaniyang Instagram post.

“30 yrs. married today w @bingloyzaga”, pahayag ng singer-comedian. Marami mang pinagdaanang pagsubok ang kanilang pagsasama ay nanatili pa rin silang matatag sa paglipas ng panahon.

Nang ikasal silang dalawa ay biniyayaan sila ng dalawang anak na babae, sina Alyssa at Gabby. Si Alyssa “Chi” Gibbs ay 27 taong gulang na at engaged na rin sa kaniyang longtime boyfriend na si Anton Cruz. Siya ay isa ring aktres tulad ng kaniyang mga magulang.

Ang kaniyang kapatid naman niyang si Gabs ay umaani ng papuri at paghanga ngayon mula sa publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at mga talento. Sa naging interview sa dalaga ay sinabi nitong cool parents ang kaniyang mga magulang.


Napakasaya raw ng kanilang pamilya kung saan ang kanilang mga magulang ay tila isang tunay na kaibigan na rin para sa kanilang mga kaibigan na ka-edad lamang nila. Disyembre 2017 nang magtapos si Gabs ng Cameron Makeup Designs sa Sydney Australia.

Noon pa man ay talagang hilig na niya ang pag-aayos kung kaya naman bagay na bagay sa kaniya ang pinag-aralan niyang ito. Minsan nang nag-viral ang isa sa mga nagawa niyang video.

Sa video transformation na ito ay makikita kung paano siya nagbagong-anyo mula sa isang magandang dilag ay naging gwapong binata ito. Gamit lamang ang talento niya sa pagme-make-up.

Naging isang “freelance make-up artist” na siya noon at sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa Sunnies Face na isang Filipino make-up brand. Nito lamang kalagitnaan ng pandemya at halos lahat ng mga lugar sa bansa ay kinakailangang sumailalim sa “quarantine”, nagkaroon siya ang maraming oras sa pagpipinta na talaga namang kinabiliban rin ng publiko.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media