Connect with us

Showbiz

Post ni Darren Espanto na “Officially Missing You” mensahe niya kaya talaga para kay Cassy Legaspi?

Published

on

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Darren Espanto ay 19 na taong gulang na Filipino-Canadian singer at aktor. Napansin siya ng publiko nang kantahin niya ang “Chandelier” na orihinal na kanta ni Sia.

Sampung taon pa lamang siya noon nang sumali siya at nagwagi sa “Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation competition” sa Edmonton. Hindi lamang siya isang mahusay na singer sa kaniyang edad ngunit marami ding mga kababaihan ang labis na humahanga sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan.

Ngunit tila mayroon nang tinatangi ang binata at talagang kapansin-pansin ito sa kaniyang mga social media posts. Bagamat nasa Canada siya ngayon kapiling ang kaniyang pamilya dahil na rin sa pandemya ay hindi pa rin sila nawawalan ng komunikasyon ng kaniyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz.

Halimbawa na lamang ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy. Nang mga nagdaang araw ay napansin ng mga netizens ang tila munting asaran nina Cassy at Mavy patungkol sa pagluluto ng cup noodles para sa taong mahal nila.


Mayroon ding ilang mga larawan si Cassy noong Araw ng mga Puso nang padalhan siya ng “bouquet of sunflowers” na hinihinala ng publiko na mula kay Darren. Nagpadala rin ng pizza si Darren para sa buong pamilya Legaspi na ipinagpasalamat naman ni Carmina sa kaniyang post.

Minsan na ring napukaw ang atensyon ng marami nang tawaging brother-in-law ni Mavy ang binatang singer. At kamakailan lamang nga ay mayroon na namang nakakaintrigang post si Darren, “Officially Missing You” ang pasimula nito ngunit kaagad naman siyang nagbiro at sinabing magandang kanta talaga ito.

Bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawa ay marami na sa kanilang mga tagahanga ang labis na sumusuporta sa kanilang pasibol na relasyon. Tiyak na isa na naman sila sa mga magiging “relationship goals” natin, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media