Connect with us

Showbiz

Pokwang, naloko na noon dahil sa pera ngunit mas pinili na lamang niyang magpatawad at ipagpasa-Diyos ang lahat!

Avatar

Published

on

Kung pera lang naman ang magiging paksa ng isang usapan, tiyak na maraming maiaambag riyan ang mga Pilipino. Hindi kasi maikakaila na marami na tayong karanasan patungkol sa pagpapautang, sa pangungutang at sa usaping pera.

Photo credit: Mayette instagram

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na sa atin ang nakaranas na magpautang sa mga taong napakahirap singilin. Madalas nga ay sila pa ang mga galit na galit kung sisingilin na sila ng taong inutangan nila noon.

Mayroon din namang iilan sa atin na responsable magbayad ng utang at disiplinado pagdating sa paghahawak ng pera. Isa na marahil sa mga sikat na personalidad ngayon na talagang may disiplina at talagang responsible ay si Pokwang o si Marietta Subong sa tunay na buhay.

Photo credit: Mayette instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na galing din siya sa kahirapan. Nagtiyaga at nagsumikap siya sa buhay kung kaya naman ngayon ay tinatamasa na niya ang bunga ng kaniyang tagumpay kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Photo credit: Mayette instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang social media post ang naging karanasan niya kung saan nagbayad siya ng pera na kaniyang pinagpaguran ngunit hindi niya nakuha ang bagay na dapat sana ay matatanggap niya kapalit ng perang ito. Talaga namang nakakapag-init ng ulo ang ganitong karanasan ngunit nagpatawad na lamang daw siya ng panahon na iyon.

Photo credit: Mayette instagram

Ayaw na rin daw niyang magalit pa kung nagalaw man ng taong ito ang kaniyang pinaghirapang pera. Dalangin din niyang sana ay nakatulong siya sa pamilyang iyon at umaasa din siyang magiging maayos ang kanilang buhay.

Photo credit: Mayette instagram

“Pinatawad ko na lang! Ayoko na magalit nakakapagod siguro nga nagalaw na nila ang pera ko pero wala silang maipakitang gawa sa order ko. Sana makatulong sa pamilya n’yo ang pera ko. Pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo na lang at sana maiayos n’yo buhay n’yo. God bless!” Pahayag ni Pokwang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media