Connect with us

Showbiz

Pauleen Luna ibinahagi ang kaniyang karanasan upang malabanan ang kaniyang “hormonal disorder” dahil sa PCOS!

Published

on

Hindi madaling maging isang babae. Marami kang mararanasang pagbabago hindi lamang sa loob at labas ng iyong katawan kundi maging sa iyong emosyon at isipan.

Hindi rin biro ang pagkakaroon ng buwanang daloy, ang pagdadalang-tao ng siyam na buwan, pagle-labor, panganganak, at pag-aalaga ng iyong asawa at mga anak nang sabay kalaunan. Hindi pa kasama rito ang mga nararanasan ng mga kababaihan tulad na lamang ng depresyon at maging ang hormonal disorder na PCOS o Polycystic Ovary Syndrome.

Photo credit: Pauleen Luna instagram

Walang pinipiling indibidwal ang sakit na ito. Sa katunayan, mayroon din nito ang sikat na host at aktres na si Pauleen Luna-Sotto.

Madalas man natin siyang makita na masayahin at palabiro sa harapan ang kamera, isa rin siya sa mga babaeng pinapahirapan ng PCOS. Sa ngayon ay masaya siya sa resulta ng ginagawa niyang pangangalaga sa kaniyang katawan.

Photo credit: Pauleen Luna instagram

Sa ngayon ay nag-eehersisyo na siya, masusustansiyang pagkain ang kaniyang kinakain at nagdidyeta na rin siya. Dahil sa ginagawa niyang ito ay nararamdaman niyang nanunumbalik na ang kaniyang lakas.

Photo credit: Pauleen Luna instagram

Mas mabuti na raw ang mayroong “slow progress” kaysa naman saw ala. Dahil sa kwento niyang ito ay nagsilbi siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na nakakaranas din ng PCOS.
Ayon pa kay Pauleen, hindi raw talaga biro ang pagkakaroon ng sakit na ito. Araw-araw diumano niyang nilalaban ang sakit niyang ito.

Laking pasasalamat niya sa mga taong sumusuporta sakaniya lalo na ang kaniyang pamilya at asawang si Vic Sotto. Mahirap ang pinagdaraanan ng mga kababaihang mayroong PCOS kung kaya naman dapat ay magsilbi rin itong “awareness” para sa publiko.

Photo credit: Pauleen Luna instagram

Ang PCOS ay isang hormonal disorder na nararanasan ng ilang mga kababaihan lalo na sa kanilang reproductive age. Wala pang konkretong dahilan kung paano at saan nga ba ito nagsisimula.

Ngunit madalas na sintomas nito ang “irregular periods”, “enlarged ovaries”, at “elevated levels of male hormones”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media