Connect with us

Viral

Online seller nawindang nang husto nang akalain ng isa sa mga kostumer niya na ang “PM” ay “Pautang Muna”!

Avatar

Published

on

Utang – isang salita lamang na maituturing ngunit karamihan sa atin ay talagang natatakot sa salitang ito. Mayroon din namang iilan na walang pakialam kung mabaon man sila sa utang basta’t makuha nila ang kanilang gusto.

Sa halip na ang mga pangunahing pangangailangan na muna ang isipin ay mas binibigyang prayoridad nila ang kanilang mga luho. Halimbawa na lamang ang isang kostumer na ito ng online seller na si Janel Cabalhao.

Nito lamang ika-23 ng Marso ay ibinahagi niya ang nakakatawa ngunit sadyang nakakainis rin na kwento patungkol sa kaniyang makulit at pasaway na kostumer. Ayon sa kaniyang caption sa ngayon ay viral na niyang post, hindi raw niya alam kung maiiyak ba siya o matatawa dahil ang pagkakaalam niya sa kahulugan ng akronim na “PM” ay “Private Message”.

Para pala sa isa sa kaniyang mga kostumer ay “Pautang Muna” ang ibig sabihin nito. Mababasa sa ilang mga “screenshots” ng kanilang pag-uusap na talagang galit na galit pa ang kostumer dahil sa gusto niya nang makuha agad ang kaniyang napiling alahas dahil sa magni-ninang pa raw ito.

Labis daw na “na-disappoint” ang kostumer dahil sa ang alam niya ay “Pautang Muna” ang sinasabing “PM” ng online seller. Bandang huli ay sinabi na lamang ni Janel na maaari naman siyang magtanong at kumuha sa ibang tao kung gugustuhin niya.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 8.5K na mga komento, higit sa 32K na mga “reactions”, at higit sa 77K na mga shares ang naturang social media post. Maraming mga netizens ang nagkomento na dapat ay nagtanong muna sana ang kostumer kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng “PM” kung hindi siya sigurado.

Upang hindi na rin sila naabala sa kaniyang nagawa. Maaaring “honest mistake” lang ito at sa susunod ay mas magiging maingat na ang kostumer. Gayundin ang maraming mga netizens na nakabasa ng pangyayaring ito online.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media