Connect with us

Viral

Nakakamanghang tanawin sa bundok Madjaas sa Antique na tila isang Bonsai Garden, labis na hinangaan ng publiko!

Published

on

Halos isang taon na rin mula nang pumasok sa bansa ang kinatatakutan nating sakit na ngayon ay laganap na sa maraming mga bansa sa buong mundo. Milyon-milyon na rin ang mga nagpositibo sa naturang sakit na ito, marami nang nasawi at mayroon din namang mga gumaling.

Hindi rin biro an gating naranasan sa panahong ito, dahil sa stress na ating naranasan ay tila ba gusto na lamang nating umalis at bumiyahe upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na ating nararamdaman. Delikado man ang pagbiyahe at pagpunta sa ibang lugar ay sinisikap pa rin ng marami sa atin ang kahit papaano ay makahinga man lamang sa kabila ng ating nararanasan.

Hinahangaan ngayon ng marami ang napakagandang tanawin na ito ng Mt. Madjaas. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Flores, Culasi, Antique. Una nang nasilayan nina Ompz Feliciano, mountaineer na siyang mag-ari ng naturang video, ang “Bantang River”, nakaugalian na ng mga namumundok na maligo sa ilog na ito sa ganap na ika-apat ng umaga upang hindi sila makaranas ng ulan pagdating nila sa tuktok ng bundok.


Matarik man at delikado ang kanilang daan ay hindi nila ito alintana. Sa “Libog Falls” sila kumuha ng tubig na kanilang iinumin at talaga namang napakalinis at napakalinaw nito.

Nasilayan din nila ang napakaganda at nakakabighaning “Bonsai Forest”. Kapansin-pansin ang “Crown Shyness” dito kung saan hindi nagkakatamaan ang bawat sanga at tila ba nagbibigayan para sa isa’t-isa.

Maraming mga hayop at halaman dito halimbawa na lamang ang “pitcher plant” at usa na hanggang ngayon ay maaari pa ring mahuli. Kahit sa ikatlong araw ng kanilang pagkakampo sa itaas ang bundok ay hindi pa rin nawawalan ng pambihirang kagandahan ang bundok na ito na ipinapamalas niya sa mga taong nagnanais bumisita sa kaniya.

Panawagan naman ng mga taong nakakita na sa video ng bundok Madjaas, sana ay hindi ito masira ng maraming mga taong magnanais na makita at maranasan din ang angking kagandahan ng lugar.

Source: Youtube


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media