Connect with us

Viral

Nahuli sa check-point ang matandang lalaki na ito dahil sa dahon ng saging lamang ang kaniyang face mask, hindi niya akalain ang susunod na gagawin ng pulis sa kaniya!

Published

on

Napakahirap nang pinagdaraanan ng maraming mga bansa sa ngayon. Mahigit isang taon na rin nang unang pumasok sa Pilipinas ang mapanganib at nakakahawang sakit na COVID-19.

Apektado ang maraming mga industriya, mga propesyon at mga negosyo. Maraming nawalan ng mga trabaho habang ang iba naman ay kinailangang maghanap ng panibagong pagkakakitaan dahil sa kailangan din talaga nilang mabuhay.

Karamihan din sa ating mga Pilipino ay mga “breadwinner” ng ating pamilya kung kaya naman malaking dagok talaga ang pagkakatanggal nila sa trabaho dahil sa pandemya. Lalong mahirap ang sitwasyon ng maraming mga mahihirap nating kababayan na gustuhin mang bumili ng nga “face shield” at “face mask” ay wala silang perang pambili dahil sa umaasa lang din sila sa arawan nilang kita.

Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng publiko sa ginawa ng pulis na ito sa isang matandang lalaki. “Improvised” kasi ang kaniyang facemask, gawa sa dahon ng saging at talagang imposibleng maprotektahan ang taong magsusuot nito mula sa panganib ng nakahahawang sakit. Kung kaya naman nang mapansin ito ng PSSG Mark Anthony Ramirez ay agad niyang pinahinto ang matandang lalaki sa pagbibisikleta at pinagsuot ng N-95 face mask.

Ito ay naganap sa isang checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela. Hindi na pinagmulta pa ng pulis ang matanda dahil sa wala ring saysay ito lalo na at kapansin-pansin namang hirap talaga sa buhay ang matandang lalaki.


Maliban sa ginawang pagtulong samatandang lalaki ay nagbahagi rin ng salita ng Diyos ang pulis kung kaya naman mas marami pa ang humanga at bumilib sa kaniya. Ibinahagi ng Cauayan City Police Station ang ilang mga larawan nila online upang magbigay inspirasyon at paalala sa maraming mga Pilipino na sa kabila ng pandemya ay huwag pa rin nating kalimutan ang tumulong sa ating kapwa.

Marami ring mga netizens ang nagnanais na tulungan ang matandang lalaki sa abot ng kanilang makakaya, kahit sa simpleng pamamaraan lamang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media