Connect with us

Viral

Madiskarteng pamamaraan ng isang netizen, cellphone, keyboard, at mouse sa murang halaga hinangaan ng marami!

Published

on

Napakahirap na talaga ng buhay natin sa ngayon. Hindi na natapos ang suliranin natin sa araw-araw, dagdagan pa ng hirap ngayong pandemya.

Napakarami ring mga empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa kinailangan ng kanilang mga kompanyang magbawas ng mga trabahador o di kaya naman ay tuluyan nang magsara. Wala naman ding magawa ang maraming mga empleyado dahil lahat naman talaga tayo sa ngayon ay apektado ng pandemya.

Dumami na sa ngayon ang bilang ng mga taong nagtatrabaho sa loob mismo ng kanilang mga tahanan. Kadalasan ay “encoding”, o di kaya naman ay pagsusulat ang pinagkakaabalahan ngayon ng maraming mga Pilipino.

Mababa man ang kita ng iilan ay maaari nang sumapat para sa kanilang mga pamilya. Kamakailan lamang ay naging malaking tulong para sa maraming mga netizens ang madiskarteng pamamaraan na ito ng netizen na si Alex Anshely Smith kung saan nakagawa siya ng paraan kung paano makapagtrabaho ng maayos habang wala pang sariling laptop o computer.

Tiyak na mas magiging madali nga ang pagsusulat o pag-eencode gamit ang nabili niyang “micro USB hub” sa halagang Php88, phone stand na nagkakahalaga ng Php39, mouse at keyboard set sa halagang Php237, mouse na Php50, at keyboard na Php169 lamang. Wala pang Php600 ang kabuuang halaga ng mga device na ito kung kaya naman tiyak na swak na swak ito sa budget ng marami.

Nagpaalala din ang netizen na siguraduhin munang “OTG-ready” ang inyong cellphone upang siguradong magagamit lahat ng mga device na ito. Hindi rin niya kinalimutang ilagay ang mga links kung saan niya nabili ang mga ito.

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 26,000 ang mga shares nito, 4,900 na mga komento at higit sa 10,000 na mga reaksyon. Tunay nga na para sa mga taong walang sawang nagtatrabaho at nagsusumikap para sa kanilang mga mahal sa buhay, walang imposible at walang mahirap na sitwasyon dahil lahat kinakaya!

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media