Connect with us

Viral

Laking panghihinayang ng mga magulang na ito nang masawi ang kanilang anak dahil lamang sa pagkain ng “Chewy candy ”!

Avatar

Published

on

Masarap na mahirap ang maging isang magulang. Kumpara noong mga binata at dalaga pa lamang tayo, tiyak na hindi magiging dahilan ang pagiging magulang natin upang magbago ang ating mga disposisyon sa buhay.

Noon, maaaring hindi natin binibigyang-pansin ang maraming mga bagay sa ating paligid. Maging ang mga desisyon natin sa buhay ay maaaring paiba-iba rin depende sa ating nais.

Ngunit sa oras na maging isa ka nang magulang ay mas uunahin mo na ang kapakanan ng iyong sariling pamilya lalong lalo na ang iyong mga anak. Walang magulang ang nagnais na mapahamak ang kanilang mga anak.

Wala silang ibang dalangin kundi ang ikatatagumpay at ang ikasasaya ng kanilang mga anak. Kung kaya naman kahit anong hirap ay makakaya nilang malagpasan kasama ang kanilang pamilya.

Ngunit sa isang iglap ay nawasak ang pangarap ng pamilyang ito nang bigla na lamang kunin ng maaga ang kanilang anak. Ayon sa viral post ni Julieann Nayre Quiroz, hindi na kinaya pa ng kaniyang apat na taong gulang na pamangkin ang nangyari sa kaniya.


Nakalunok kasi siya ng isang buong “Chewy Candy” at nang dinala sa ospital ay kinailangan pa munang sumailalim sa “swab testing” bago siya asikasuhin. Masamang-masama man ang loob ng pamilya dahil sa nangyari ay nais na lamang nilang matahimik ang kaluluwa ng bata.

Wala rin naman daw nagnais na mangyari ito sa kawawang paslit kung kaya naman nais din ng pamilya na mabigyang babala ang maraming mga magulang. Hindi dapat makampante ang mga magulang at ang mga nakatatandang nagbabantay sa mga bata.

Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga ganitong uri ng insidente kung kaya naman dapat tayong maging handa sa lahat ng oras. Sabi nga ng ilang mga netizens, mas mabuti nang nag-iingat kaysa naman magsisi sa bandang huli.

Hanggang sa mga oras na ito ay marami pa ring nakikiramay sa buong pamilya at nag-aalay ng dasal para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng bata.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media