Connect with us

Showbiz

Kuya Wil, hindi lamang gadget ang ina-unbox kundi isang bagong helicopter!

Published

on

Hindi makapaniwala ang publiko sa mga larawang ito na kumakalat sa social media patungkol sa unboxing na ginawa ni Kuya Wil sa kaniyang bagong helicopter! Kung maraming mga sikat na artista ang nagbubukas at nagpapasilip ng bago nilang mga koleksyon, talaga namang level-up si Kuya Wil dahil sa helicopter lang naman ang kaniyang binuksan.

Ilan sa mga larawang kumakalat ngayon online ay ang mga larawang kuha sa mismong pagbubukas ng sikat na host ng bago niyang helicopter. Sa programa naman niyang Wowowin na umere noong ika-10 ng Marso, 2021 ay ibinahagi niya ang regalong larawan sa kaniya ni DJ Coki.

Makikita sa larawan si Kuya Wil kasama ang kaniyang dalawang mga helicopter. Nakasulat din sa ibabang bahagi ng larawan na iyon ang mga katagang Capt. Wilfredo B. Revillame.

Masayang masaya naman si Kuya Wil sa regalong natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Ibinahagi din niyang ang Maroon na helicopter na ito ang regalo niya sa kaniyang sarili.


Malaki din daw ang maitutulong ng mga helicopter niyang ito sa pagtulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo o nakaranas ng sakuna. Minsan na rin daw nilang nagamit ang kaniyang helicopter nang minsan silang magtungo sa Catanduanes upang tulungan ang mga taong nasalanta roon.

Maraming mga netizens naman ang nagkomento at nagsabing si Kuya Wil lang ang “malakas”. Wala din daw sinabi ang mga artistang “wagas” kung sumira ng mga kahon sa kanilang unboxing videos.

Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala natin bilang si Willie Revillame ay isang 60 taong gulang na Filipino television host, singer, songwriter, businessman, aktor, at komedyante. Naranasan niyang maging isang drummer noon at sidekick ng mga sikat na artista ngunit ngayon ay inaani na niya ang naging pagsusumikap niya sa kaniyang trabaho.

Ayon sa ilang mga ulat, halos nasa mahigit Php600,000,0000 na ang kaniyang net worth noong taong 2019.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media