Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, namataan sa isang establisyemento habang pinagsa-shopping ang kutsinta vendor na natulungan niya sa kaniyang recent vlog!

Avatar

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress, model, at YouTuber. Isa siya sa pinakasikat na vloggers ngayon sa bansa hindi lamang dahil sa napakaseksi at napakaganda niya kundi dahil sa kaniyang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Mayroon na siyanga higit sa 12.2 milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel. Nito lamang ika-14 ng Marso ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang latest vlog na mayroong pamagat na “Prank on the strangers on the street”.

Nakilala niya ang isang kutsinta vendor na nakilala sa pangalang Joselito Martinez. Binigyan niya ng Php20 si Ivana at ilang kutsinta panglaman sa kaniyang kumakalam na sikmura.

Inalok din siya nito kung nais ba niya ng tubig o di kaya naman ay softdrinks. Hindi akalain ni Ivana na makilala niya ang kutsinta vendor na ito habang nagpapanggap siya bilang isang pulubi.


Nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap kung saan naibahagi ni Joselito na kailangan pa niyang sumakay ng bus upang kumuha at mag-entrega ng pera sa kaniyang supplier dahil malayo rin talaga ng lugar na kaniyang pinagbebentahan ng mga ito. Nasa probinsiya rin daw ang kaniyang pamilya habang kasama naman niya ang kaniyang anak na nagtatrabaho sa isang mall.

Sa kabila ng panganib ng pandemya sa lansangan ay hindi ito alintana ni Joselito. Hindi rin siya natatakot na makipag-usap sa isang pulubi at tinulungan pa niya ito.

Bilang kapalit at binibigyan ni Ivana ng Php20,000 ang kutsinta vendor at namataan pa ang aktres na kasama si Joselito habang ipinamimili niya ito ng ilang mga gamit sa bahay. Kuha ang mga viral photos nila online ng isang “merchandiser”.

Tunay nga na napakabuti ng kalooban ni Ivana dahil kahit pa nga tapos na ang kaniyang vlog ay palihim pa rin niyang tinutulungan si Joselito. Nais rin talagang mabago ang buhay niya at ng kaniyang pamilya dahil sa mayroon din namang mabuting puso ang kutsinta vendor na ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media