Connect with us

Viral

Isang Skateboarder na mayroong kakaibang hitsura, nakatagpo pa rin ng babaeng tatanggap at magmahal sa kaniya ng tunay!

Published

on

Sabi ng maraming nakatatanda, sa oras na makilala mo na ang taong makakasama mo habang buhay ay mararamdaman mo ito. Malalaman mong siya na talaga ang taong nakatadhana para sa iyo.

Sa panahon natin ngayon, mas maraming mga Pilipino ang nagpapahalaga sa panlabas na anyo ng isang tao. Lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon, mas maganda, mas gwapo at mas seksi ay talagang pinagkakaguluhan sa ngayon.

Ngunit kahit na pala mayroong mga taong labis na nagpapahalaga sa panlabas na anyo ng isang tao, mayroon pa ring iilan na mas tumitingin sa puso at pag-uugali ng iba. Tulad na lamang halimbawa ng pag-iibigan ni Zingzong na mula sa Cebu City at ng kaniyang nobya.

Kapansin-pansin na may angking kagandahan ang kasintahan ng skateboarder na si Zingzong. Samantala, mayroon naman siyang karamdaman sa kaniyang panlabas na kaanyuan.

Kakaiba kasi ang kaniyang hitsura kumpara sa ibang mga binata sa kanilang lugar. Hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyang kasagutan ang kaniyang mga tanong kung bakit medyo deformed ang kaniyang mukha at tila hindi rin maayos na na-develop ang ilang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa sakit na ito.


Nakahiligan ni Zingzong na maglaro ng skateboard at dahil dito ay talagang marami ang nakapansin sa kaniyang angking galing sa skateboarding. Maging sa social media ay nakilala na rin siya.

Marami mang mga nangungutya at humuhusga sa kaniya dahil sa kaniyang hitsura ay hindi ito naging hadlang upang makilala niya ang taong tatanggap at magmamahal sa kaniya. Nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang nobya at ng kanilang anak sa kaniyang Instagram post, mayroon itong caption na “family picture”.

Tunay nga na kahit ano pa ang iyong pisikal na anyo, darating at darating ang panahon na mamahalin at magmamahal ka ng totoong inilaan ng tadhana para sa iyo. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana upang magkakilala kayo at magkapalagayan ng loob.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media