Connect with us

Viral

Isang live streamer kumita ng $16,000 o mahigit Php775, 000 matapos niyang matulog ng 7 oras!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagsubaybay sa mga paborito nilang influencers, vloggers at game streamers. Hindi katulad noon ay talagang malawak na rin ang ganitong industriya dahil na rin sa modernong mga gamit at modernong teknolohiyang mayroon tayo sa ngayon.

Image: Asian Andy/Youtube

Ngunit dahil na rin sa pagdami ng mga taong nagnanais sumubok sa mga industriyang ito ay nangangailangan na silang maghanap o di kaya naman ay mag-isip ng mga bagong ideya upang mapukaw ang atensyon ng mga manunuod. Halimbawa na lamang ang lalaking ito na nakilala bilang si Asian Andy sa kaniyang YouTube channel.

Image: Asian Andy/Youtube

Sa kaniyang stream na umabot ng 11 minuto ay kumita na siya kaagad ng $16,000! Mayroon pang pamagat ang kaniyang video na “How I made $16,000 while sleeping for 7 hours”.
Kapansin-pansin na hindi siya mapalagay sa kaniyang pagtulog dahil pala sa kaniyang hamon sa kaniyang mga viewers na istorbohin ng mga ito ang kaniyang pagkakahimbing. Ayon sa ilang mga ulat ay nakaset-up pala ng “text-to-speech recognition” ang kaniyang “live stream”.

Sa ganitong paraan, sa tuwing makakatanggap siya ng donasyon ay tutunog ang musika at babasahin ng malakas ang mensahe. Marami sa kaniyang mga viewers ang nagmensahe kay Alexa na magpatugtog ng malalakas na mga kanta, pagtahol ng aso at pagtunog ng kaniyang alarm.

Image: Asian Andy/Youtube

Bagamat hindi siya matiwasay na nakatulog ng gabing iyon ay malaki naman ang kaniyang naging pasasalamat dahil sa malaking halaga ng pera na kaniyang nalikom. Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta sa kaniyang live stream at sinabing noong siya ay isang Uber driver noon ay $16 kada oras lamang ang kaniyang kinikita.

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na makatanggap ka ng tulong mula sa ibang tao kahit pa nga hindi kayo magkakilala o hindi kayo magkadugo. Patunay lamang ito na hindi ka dapat mawalan ng pag-asa kahit pa napakaraming pagsubok at paghihirap ang iyong maranasan dahil darating din ang panahon na matatanggap mo ang pagpapalang nakalaan para sa iyo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media