Connect with us

Viral

Isang ina kasama ang dalawa niyang mga anak, nakulong sa kanilang banyo ng halos pitong oras!

Published

on

Isang ina, kasama ang dalawa niyang anak ang aksidenteng nakulong sa loob ng kanilang palikuran. Inabot din ng pitong oras ang pagkakakulong ng mag-ina sa loob nito.

Photo credit: Safra Hussain / Facebook

Simple at ordinaryong araw lamang para sa pamilya ni Safra Hussain ang araw na iyon. Ang pamilyang ito ay kasalukuyang naninirahan sa Malaysia ngayon.

Umalis na sa kanilang bahay ang kaniyang mister dahil sa maaga ang trabaho nito. Kung kaya naman naiwanan si Safra at ang dalawa nilang anak sa kanilang bahay.

Photo credit: Safra Hussain / Facebook

Inaasikaso niya ang kaniyang panganay na anak na babae at ihahatid na niya ito sa paaralan. Ang kaniyang mister naman ang susundo rito pauwi matapos ang kaniyang trabaho.

Habang magkasabay na pinapaliguan ni Safra ang kaniyang mga anak ay hindi niya inaasahang makukulong na lamang silang bigla sa loob ng kanilang banyo. Sa kasamaang-palad ay wala siyang dalang cellphone sa loob at maging ang mga tuyong damit na pamalit sana ng kaniyang mga anak ay nasa labas din ng banyo.

Photo credit: Safra Hussain / Facebook

Sigurado siyang walang makakarinig sa kaniya kahit na sumigaw pa siya ng malakas kung kaya naman hindi na rin niya ito sinubukan pa. Ayaw niya rin kasing matakot ang kaniyang mga anak kapag nakita nilang natatakot at nagpapanic siya kakasigaw.

Noong una ay nagawan pa niya ng paraan upang malibang ang kaniyang mga anak sa pamamagitan ang mga bula o “bubbles” na kanilang pinaglalaruan ngunit hindi rin nagtagal ay napagod at nagsawa na rin sila rito. Talagang ramdam niya ang takot at tensyon sa kaniyang katawan ngunit kaligtasan ng kaniyang mga anak ang kaniyang prayoridad ang mga oras na iyon.

Sinubukan niyang mabuksan ang nakakandadong pinto ng kanilang banyo sa pamamagitan ng hook ng kanilang hanger ngunit wala ring nangyari. Gininaw ang kaniyang mga anak dahil sa ilang oras na rin ang kanilang tinagal sa loob ng banyo kung kaya naman pinaandar niya ang kanilang “water heater”.

Photo credit: Safra Hussain / Facebook

Naging maingat siya ng mga oras na iyon dahil maaaring hindi na sila makahinga. Oras na ng uwi ng kaniyang mister at susunduin na sana nito ang kanilang anak. Laking gulat at pagtataka niya dahil lumiban raw sa klase ang bata at maging ang kaniyang misis ay hindi niya makontak.

Dali-dali siyang umuwi at doon nga ay natagpuan niya ang kaniyang mag-iina na nakulong sa kanilang banyo. Hindi pa niya ito mabuksan noong una ngunit nang sipain niya ng makailang ulit ang pinto ay nabuksan naman niya ito.

Ligtas na ang mag-iina ngunit takot na ngayong mag-banyo ang kanilang dalawang anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media