Connect with us

Viral

Isang delivery rider ang na-scam ng kaniyang kostumer at hindi na binayaran pa ang Php13,000 na halaga ng pagkain at load na inabono ng kawawang rider!

Avatar

Published

on

Patok na patok ngayon sa maraming mga Pilipino ang mga online apps tulad na lamang ng ilang mga “online shopping platforms” at mga “delivery services”. Hindi makapaniwala ang delivery rider na si JM Palomo na mararanasan din pala niya ang maloko ng isa sa kaniyang mga kostumer.

Halos nagkakahalaga rin ng Php13,000 ang kaniyang inabono sa pagkain at load na dapat sana ay idedeliver niya sa kaniyang kostumer na nagpakilalang doktor. Ibinahagi ng netizen na si Ronzy Alipato ang insidenteng ito online.

Ayon sa kaniyang pagkukwento ay nakatanggap daw ng tawag si JM mula sa isang kostumer at nagpapadeliver ng halagang Php6,000 ng mga pagkain sa isang hospital clinic. Nakisuyo rin ang nagpakilalang doktor ng apat na 1.5 litrong softdrinks na agad namang sinunod ni JM.

Maliban pa rito ay nagpa-load rin ang doktor sa lima pang mga numero ng mga kapwa raw nito doktor na halagang Php1,000 bawat isa. Sinabi na ni JM na wala raw siyang pang-abono pa sa mga load na ito ngunit pinilit naman ng doktor na kausapin ang kahera sa telepono.

Nangako raw ang doktor sa kahera na mayroong kulay puti na Innova na daraan at magbabayad ng naturang mga load. Bandang huli ay walang dumating upang magbayad nito.

Natulala ang rider sa nangyaring ito dahil sa hindi niya akalain na modus na pala ito ng walang pusong scammer na nagpanggap bilang isa sa kaniyang mga kostumer. Buti na lamang at marami pa ring mga tao ang may mabuting loob na siyang nagpadala ng pera sa rider upang mabayaran niya ang perang na-scam sa kaniya.

Hindi man niya ito ginusto, maraming mga netizens ang nagsabing dapat na siyang mag-ingat sa susunod. Marami na talagang masasamang loob sa ngayon at hindi na natin hawak pa ang sitwasyon kung kailan mangyayari sa atin ang ganitong insidente.

Kung kaya naman mas dapat tayong mag-ingat lalo na para sa mga delivery rider tulad ni JM.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media