Connect with us

Viral

Isang ama nakaisip ng pambihirang paraan upang mapatahan sa pag-iyak ang kaniyang anak sa tuwing aalis ang kaniyang ina!

Avatar

Published

on

“Challenging” at “life-changing” maging isang magulang. Hindi madali ngunit napakasarap din naman sa pakiramdam na makita mong lumalaki ang iyong anak sa iyong pagsubaybay at pangangalaga.

Source: Pregnancy and Parenting

Maaaring nakakakaba talaga ang siyam na buwang pagbubuntis, ang mismong labor at panganganak, maging ang ilang buwang pagpupuyat ngunit iba pa rin talaga ang sayang naidudulot ng mga sanggol sa kanilang mga magulang. Ngunit isa rin talaga sa mga hindi maiiwasang problema ng pagiging isang magulang lalo na ng mga nanay ang “separation anxiety” ng kanilang mga anak.

Sa murang edad kasi ay ayaw na ayaw ng mga batang nawawala sa kanilang paningin ang kanilang ina. Kung kaya naman naisipan ng Japanese daddy na ito ang paraang tiyak na makapagpapatahan sa kaniyang anak.

Source: Pregnancy and Parenting

Gumawa siya ng isang “life-size” Mommy cardboard para sa kaniyang anak. Hindi lamang nakatayong mommy ang kaniyang ginawa kundi mayroon ding nakaupo.

Epektibo nga ang ginawa niyang ito dahil sa hindi na umiiyak ang kaniyang anak sa tuwing aalis ang kaniyang ina. Ang alam kasi ng bata ay kasama lamang niya ang kaniyang ina sa kaniyang tabi.
Kung kaya naman mas panatag at mas komportable siya habang abalang naglalaro. Iwas tantrums na para kay baby hindi pa stress ang kaniyang daddy na madalas naiiwan na kasama niya sa tuwing aalis ang kaniyang ina.

Source: Pregnancy and Parenting

Maraming mga netizens ang nakakuha ng magandang ideya para rin sa kanilang mga anak na madalas umiiyak sa tuwing makikita silang umaalis. Sa paraang ito ay mas marami pang magagawa ang mga magulang, trabaho man sa opisina o mga gawaing-bahay.

Hindi biro ang pagiging isang magulang ngunit napakarami pa rin talagang magagandang bagay ang ating natututunan at nararanasan sa paglipas ng mga taon. Isang paraan lamang ang “mommy cardboard” na ito upang matulungan ang maraming mga magulang, mayroon pa rin tayong kaniya-kaniya nating diskarte at pamamaraan sa pagpapalaki ng ating mga minamahal na anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media