Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay nagsalita na tungkol sa naging hiwalayan nila ng dating nobyang si Andrea Torres, umani ng maraming komento mula sa publiko ang pahayag niyang ito!

Avatar

Published

on

Hindi lubos akalain ng mga tagahanga ng tambalang Derek Ramsay at Andrea Torres na mauuwi lang din pala sa hiwalayan ang kanilang relasyon na inabot rin ng halos isang taon. “Relationship goals” kung ituring ng marami ang kanilang pag-iibigan kung kaya naman talagang marami ang nasaktan ng bigla na lamang naibalita ang kanilang paghihiwalayan.

Higit pa rito ay kaagad ding nagkaroon ng karelasyon si Derek na tila ba nakabilis na nakamove-on. Inamin din kasi nitong may isang buwan na ang relasyon nila ng aktres at modelong si Ellen Adarna na dati namang nakarelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Hindi nagsalita sina Derek at Andrea sa naging biglaang paghihiwalay nila noon kung kaya naman sa naging “tell all interview” ni Pops Fernandez kay Derek ay naglabasan ang maraming mga netizens na mayroong kaniya-kaniyang komento sa aktor. Ayon sa naging pahayag ng aktor ay biglaan daw ang naging paghihiwalay nila ng Andrea.

Mayroon daw silang bagay na hindi pinagkasunduan at naisip nilang hindi na nila ito maayos pa kung kaya naman mas minabuti na lamang nilang tapusin ang kanilang relasyon. Nilinaw naman niyang maayos ang naging paghihiwalay nilang dalawa.

“We ran across a little problem. And suddenly, it became much bigger. And I guess we both realized that it was something na both of us could not make certain adjustments to,” Pahayag ni Derek.

Hindi na raw nila pinilit pa at pinwersang ayusin pa ang kanilang relasyon kung kaya naman ngayong hiwalayan na sila ay batid daw niyang walang sama ng loob sa pagitan nilang dalawa. Sa katunayan nga daw niyan ay muli nang nagtatrabaho si Andrea at talagang maayos ang kaniyang kalagayan.

Nagpasalamat din si Derek sa mga kaibigan at kapamilya niyang palaging nariyan para sa kaniya upang suportahan siya. Sa kabila ng naging maagang pagmo-move on at pagmamahal muli ni Derek ay ipinahayag naman ni Andrea na mas magpopokus siya ngayon sa kaniyang karera at pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media