Connect with us

Viral

Crew members ng isang Spanish Navy training ship na dumaong sa bansa, pinagkakaguluhan ngayon ng maraming mga netizens online!

Avatar

Published

on

Maraming mga netizens ang nagulat nang ibalita ang pagdaong ng isang Spanish Navy training ship na “Juan Sebastian Elcano” sa Cebu City, Marso 20, 2021 ng umaga. Ilang araw nang nasa bansa ang naturang Navy ship at una na itong dumaong sa Samar.

Ayon sa ilan mga ulat, ang pagdaong ng Navy ship na ito ay bahagi ng paggunit ng “Magellan-Elcano expedition“ na kumpleto sa kauna-unahang “circumnavigation” sa buong mundo. Naganap ito noong taong 1521.

Inulan ng maraming mga nakakatuwang komento ang viral photos ng Navy ship na ito. Ayon sa ilang mga netizens, tiyak na mas maraming mga Pilipino ang magtutungo ngayon sa Cebu dahil sa mga gwapong crew members na karamihan ay mga lalaki.

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang paghanga sa mga puti o sa mga dayuhang mayroong puting kulay ng balat. Kung kaya naman kaniya-kaniyang biruan ang mga netizens at marami din ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan.

Samantala, mayroon din namang ilang mga netizens na bumatikos sa pagdaong mga Navy ship na ito sa bansa na diumano ay nagdiriwang pa ang maraming mga Pilipino sa naging pagsakop noon ng mga dayuhang Espanyol sa bansa. Sa loob ng 333 taon ay sinakop tayo ng Espanya kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na marami sa ating kultura at tradisyon ay mula sa kanila.

Nagsimula ang pananakop nilang ito nang dumaong sa bansa ang manlalakbay na si Ferdinand Magellan taong 1521, 500 taon na ang nakararaan. Nakamit lang natin ang kalayaan mula sa kanila noong taong 1898.

Bagamat maraming mga naging impluwensiya ang mga dayuhang ito sa Pilipinas, hindi pa rin maipagkakaila na maraming mga naghirap at nasawi dahil sa kanila. Hindi biro ang dinanas ng mga Pilipino sa kanilang mga kamay, mga matatanda, mga bata at lalo na ang mga kababaihan.

Kung kaya naman marami talagang mga Pinoy netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkainis at hindi pagsang-ayon sa kaganapang ito.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media