Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, hindi pinagsisihan ang kaniyang naging investment sa kaniyang farm na matatagpuan sa Zambales!

Avatar

Published

on

Maraming mga Pilipino ang naniniwalang wala nang mas sasarap pa sa paninirahan sa probinsiya. Hindi lamang dahil sa napakasariwang hangin dito, maraming mga puno at halaman, kundi dahil talagang tahimik manirahan rito kumpara sa siyudad.

Marahil marami din sa atin ang nagnanais na magretiro sa ganitong lugar kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang, ibinahagi ni Bea Alonzo na isa sa pinakamagandang naging investment niya ay ang kaniyang farm sa Zambales.

Madalas rin siyang nagbabahagi ng mga makapigil-hiningang larawan na kuha sa kanila mismong farm. Taong 2011 pa ng binili niya ang lupain na iyon.

Ang kaniyang mahal na ina na si Mommy Mary Anne ang naging abala sa pagpapaganda ng farm nilang ito. Ibinahagi ng aktres sa naging virtual session niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 11, 2021 na naging “safe haven” nila ang farm nila sa Zambales lalo na ngayong pandemya.


Kung noon ay nagbabakasyon lamang ang kaniyang ina roon, sa ngayon ay doon na ito talaga nanirahan. Kasama ang kapatid na lalaki ni Bea na nagtayo na rin ng bahay roon lalo na at mayroon itong bagong silang na sanggol.

Nang tanungin si Bea kung papayag ba siyang manirahan din sa isang farm, agad itong sumang-ayon at sinabing hindi siya papayag na hindi maging malapit sa kaniyang ina ang mga magiging anak niya. Pinangalan ng aktres na “Beati Firma” ang farm niyang ito na ang ibig sabihin ay “blessed farm”.

Tunay nga na biyaya at pagpapala ang dala sa kaniya ng mga salitang iyon dahil sa ang kaniyang screen name ay Bea rin – ang tunay niyang pangalan ay Phylbert Angellie. Laking pasasalamat din naman niya sa aktres na si Isabel Rivas dahil ito ang naging dahilan upang malaman nilang mayroon palang ibinebentang farm malapit sa kanilang farm.

Hindi man siya ganoon kasigurado ay ginamit na niya ang pagkakataong ito upang mag-invest sa lupa na isa sa pinakamagandang investment niya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media