Connect with us

Showbiz

Batikang host at mamamahayag na si Raffy Tulfo, ibebenta ang kaniyang mga designer na damit at sapatos para sa isang charity!

Avatar

Published

on

Si Rafael “Raffy” Teshiba Tulfo ay isang 61 taong gulang na broadcast journalist, columnist, radio presenter at television personality. Marami ang rumerespeto at humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang dedikasyon sa kaniyang trabaho.

Halos 20 taon na rin siyang nagtatrabaho sa industriyang ito. Malaki din ang kaniyang puso sa pagtulong sa mga taong nangangailangan kapwa man niya Pilipino o dayuhan.

Madalas na sinusubaybayan ang programa nilang “Wanted sa Radyo” sa Radyo5 92.3 News FM kasama si Sharee Roman. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 19.1 milyong subscribers ang kanilang YouTube channel na “Raffy Tulfo in Action”.

Sa programa nilang ito ay tinutulungan nila ang mga taong napagsamantalahan dahil sa kahirapan at mga taong naagrabyado ng kanilang kapwa. Hindi rin sila nagdadalawang-isip na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga taong lumalapit sa kanilang programa.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Raffy na balak niyang ibenta ang ilan sa kaniyang mga mamahaling sapatos at damit upang makatulong sa mas marami pa nating kababayan. Sa “Idol Shopping Network” na plinano at binuo ng kaniyang asawa at mga anak ay maaaring mabili ang ilan sa mga mamahalin niyang gamit sa makatwirang halaga.


Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na mahilig talaga siya sa mga sapatos, ipinasilip niya sa publiko ang isang malaking silid kung saan naroon ang koleksyon niya ng mga mamahaling sapatos tulad na lamang halimbawa ng Givenchy, Dolce & Gabbana, Louis Vuitton, Balenciaga at Versace. Para sa kaniya ay “therapeutic” daw ang paglilinis ng mga sapatos niyang ito na madalas ay kinakausap pa niya at pinapasalamatan dahil sa pagsisilbi ng mga ito sa kaniya ng buong araw.

Mayroon din siyang koleksyon ng mga mamahaling damit na tulad ng kaniyang mga sapatos ay ang kaniyang misis din ang madalas na bumibili. Ilan sa mga ito ay Burberry, Christian Dior, Louis Vuitton, Dolce & Gabbana, Hermes, Gucci, Givenchy, at marami pang iba. Naibahagi din niya na madalas silang makaranas ng diskriminasyon mula sa mga banyagang staff sa tuwing mamimili sila ng mga mamahaling damit at sapatos sa ibang bansa.

Marami din siyang mga suit at mga kurbata na lahat ay mga mamahalin din. Upang mapanatili ang magandang kondisyon ng kaniyang mga koleksyon ay sinisigurado nilang nakabukas ang kanilang “air conditioning unit” ng 2 hanggang 3 oras kada araw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media