Connect with us

Showbiz

Batang sumikat noon sa commercial ng “Camella Homes”, isa na ngayong ganap na dalaga!

Avatar

Published

on

Aminin man natin o hindi, maraming mga bagay noon ang talagang naging parte na ng ating buhay sa ngayon. Ilan taon at dekada man ang lumipas ay hindi pa rin natin malilimutan ang maraming mga alaala ng ating kabataan noon na sa tuwing babalikan natin ay nagdudulot ng ngiti sa ating mga labi.

Tulad na lamang ng sikat na patalastas noon ng “Camella Homes”. Sino nga ba naman ang makakalimot sa napaka-cute at napakabibong bata na si Cha-Cha Cañete o “Bulilit” kung tawagin ng nakararami.

Sa lumang commercial na “Bulilit Sanay sa Masikip” noong taong 2009 ay kapansin-pansin ang epektibong pagganap niya sa kaniyang karakter na isang batang paslit na nasanay sa maliit at masikip nilang tahanan. At nang magkaroon na sila ng maayos at magandang bahay ay talagang nanibago ang kaniyang katawan.

Siya ay si Trisha Luise Cañete sa tunay na buhay. Ayon sa ilang mga ulat, ang mga magulang ni Cha-Cha ang siyang nagpasya na subukan nitong pasukin ang industriya ng showbiz.
Dahil sa likas na cute at bibong bata ay hindi na nakapagtatakang marami ang bumilib at napamahal sa kaniya. Napabilang rin siya sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Mula taong 2009 hanggang 2014 ay marami pa siyang nagawang mga proyekto. Ngunit makalipas ang limang taon na iyon ay tinutukan muna niya ang kaniyang pag-aaral.

Marami rin siyang natamo na pagkilala at parangal dahil sa kaniyang pagpapagal sa pag-aaral. Taong 2013 nang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Limang kategorya ang kaniyang nilahukan sa naturang kompetisyon na dinaos sa Hollywood sa California. Sa paglipas ng panahon ay lumaki na an gating “Bulilit na Maliit” at isa na ngayong ganap na dalagang unti-unting tinutupad ang kaniyang mga pangarap.

Minsan na rin siyang nag-viral matapos niyang awitin ang “Flight Song” sa “Wish 107.5”. Napakahusay at napakaganda nang naging pag-awit niya rito kung kaya naman umani talaga ito ng maraming reaksyon at komento mula sa publiko.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media