Connect with us

Viral

Ang cute na bahay na ito gawa sa kawayan ay nagkakahalaga lamang ng Php89,000, swak na swak sa maraming mga Pilipino!

Avatar

Published

on

Sabi nila mas magandang karanasan daw talagang ang mag-Leave and Cleave para sa maraming mag-asawa lalo na sa kultura nating mga Pilipino. Kilala ang ating lahi sa “Strong Family Ties”.

PHOTO BY CUBO MODULAR.

Ngunit maraming mga Pinoy ang makapagpapatunay na sa kabila ng mga positibong epekto nito ay mas marami talaga ang mga negatibong naidudulot nito lalo na sa mga mag-asawang nagsisimula pa lamang bumuo ng kanilang sariling pamilya. Gustuhin man kasi nilang bumukod kaagad ay maraming nagiging hadlang lalo na ang pinansiyal nilang pangangailangan.

PHOTO BY CUBO MODULAR.

Kung kaya naman madalas na nangyayari na sa poder na muna ng kanilang mga magulang sila tumitira. Magandang balita ito para sa maraming mga Pilipino dahil mas posible na ngayon ang pagkakaroon nila ng sarili nilang tahanan.

Ang “Cubo Modular” ay isang lokal na kompanya na ang misyon ay gumawa ng “sustainable, affordable, and dignified homes” para sa maraming mga pamilya. Ang mga “tiny homes” na kanilang ginagawa ay mula sa “engineered bamboo” at ang epektibo nilang “panel building system” kung saan maaaring mabuo ang bahay sa loob lamang ng apat na oras!
Hindi rin ipinagwalang-bahala ng mga nagdisenyo nito ang klima sa ating bansa na madalas ay talagang dinaraanan ng malalakas na mga bagyo. Higit sa lahat, swak na swak ang presyo ng kanilang mga bahay dahil sa nagsisimula lamang ito sa Php89,000.

Para sa “Cubo Modular”, naniniwala silang ang kanilang teknolohiyo at materyales ang magiging dahilan upang magkaroon ng sarili nilang mga tahanan ang maraming mga Pilipino nang hindi nasisira an gating kapaligiran. Tunay nga na marami nang nagagawa ang teknolohiya ngayon upang mas mapadali ang ating mga buhay.

PHOTO BY CUBO MODULAR.

Mas marami nang mga pamilya ang maaaring magkaroon ng sarili nilang tahanan nang hindi nahihirapang mag-ipon, mangutang, o magbayad ng milyong milyong halaga ng pera mula sa pagbili ng lote at pagpapagawa ng kanilang mga pangarap na bahay.

Source: Esquirem


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media